Advertisers

Advertisers

Sen. Go sa publiko: ‘Wag maging kampante sa Delta variant; 2,000 TODA members sa Caloocan, inayudahan

0 180

Advertisers

Umaapela sa publiko si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na maging mapagbantay at huwang maging kampante dahil seryoso ang local transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay sa harap pa rin ng pagsusumikap ng gobyerno na balansehin ang pagbibigay-proteksyon sa kalusugan ng mga Pilipino habang gumagawa ng mga paraan na ibangon ang ekonomiya.

 

“Ang inyong disiplina, kooperasyon at malasakit sa kapwa ay importante para malampasan natin ang mga pagsubok na ito,” ani Sen. Go.

 



Binigyang diin pa ni Sen. Go, na siyang Chaiman ng Senate Committee on Health and Demography: “Patuloy po tayong mag-ingat, sumunod sa mga patakaran, at makipagtulungan sa ating gobyerno.”

 

Ayon kay Go, ang pagpapatupad ng bansa sa health protocols kabilang ang testing , contact tracing at isolation ay kabilang sa components ng Covid-19 response measure.

 



Aniya, dapat pahigpitin ang pagpapatupad ng pagbabantay sa mga borders  para sa mas sistematikong health service delivery sa taumbayan.

 

Hinikayat din ni Go ang economic frontliners lalo na ang public transport workers na dapat mabakunahan ang mga ito dahil eligible naman sila bilang bahagi ng A4 group sa ilalim ng nakasaad sa national vaccination program.

 



“Magtiwala ho kayo sa bakuna. Huwag ho kayong matakot sa bakuna. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” ayon pa dito.

 

Kaugnay nito ang team ni Senator Go ay nagsagawa ng dalawang magkahiwalay na pamamahagi ng tulong sa mahigit 2,000 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Associations sa Andres Bonifacio Elementary School at sa Grace Park Elementary School sa Caloocan City nitong July 22 at July 23.

 

Ito ang mga sektor na labis na naapektuhan sa patuloy na pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa.

 

“Alam ko pong napakahirap ang panahon sa ngayon, marami po ang nawalan ng trabaho, marami pong negosyo ang nagsara, ‘yung mga ruta ninyo hirap po talaga. Magtulungan ma lang po tayo,” apela pa ni Senator Go.(Boy Celario)