Advertisers
SA unang pagkakataon simula 1932, ang Pilipinas ay magwawagi ng higit sa isang medalya sa Olympic Games.
Ito, ay matapos umabante ang Filipina boxer Nesthy Petecio sa semifinals ng women’s featherweight class sa Tokyo Olympics, na tiyak sa bronze medal.
Dinaig ni Petecio ang pambato ng Columbia na si Yeni Marcela Arias Castaneda via unanimous decision, ang limang judges ay binigay ang iskor pabor sa kanya.
Ang 29-year-old Petecio, na lumaki sa Davao, ang pangalawang Pilipino na makakuha ng medalya sa Tokyo.
Weightlifter Hidilyn Diaz ay gumawa ng kasaysayan nitong lunes nang masungkit ang kauna-unahang mailap na gold medal para sa bansa matapos ang halos kulang 100 taon na paglahok sa Summer Games.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Philippine delegation ay mag-uuwi ng multiple medals, matapos ang 1932 Games sa Los Angeles kung saan kumulekta ng three bronzes; Simeon Toribio sa men’s high jump, Jose Villanueva sa men’s bantamweight, at Teofilo Yldefonso sa men’s 200-meter breaststroke.
Sa round of 16, ginulpi ni Petecio ang top-seeded Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei via 3-2 split decision para umabante.
Sa semifinals, makaka-tapat ni Petecio ang Italiana na si Irma Testa, na nagwagi via 5-0 decision laban kay Caroline Veyre ng Canada sa sariling quarterfinal match-up.
Ang laban ay nakatakda sa July 31 sa Kokugikan Arena.
Filipina flyweight Irish Magno makakasagupa ang karibal sa Southeast Asian, Jutamas Jitapong ng Thailand, sa round-of-16 ngayong Huwebes ng umaga, habang si Eumir Marcial, makakaharap ang Algeria’s Younes Nemuchi sa men’s middleweight, ngayong Huwebes ng umaga rin.
Carlo Paalam makakatapat si Mohamed Flissi ng Algeria sa men’s flyweight sa Sabado, July 31.