Advertisers

Advertisers

Kaya pa nga ba ni Pangulong Digong?

0 289

Advertisers

SA kanyang huling SONA nung Lunes, Hulyo 26, halata na may iniinda na talaga sa kanyang kalusugan ang 76-anyos na Pangulong Rody “Digong” Duterte.

Kita sa video footage na muntik na naman itong matumba o mapasubsob habang usad-pagong sa paglalakad. Sabi ng kanyang spokesman, Atty. Harry Roque, madulas daw kasi ang carpet kaya nadulas ito. Pero sa panayam kay Duterte, sinabi niyang may umapak sa kanyang paa kaya muntik siyang madapa. Pero kita sa video na wala namang nakadikit kay Duterte para maapakan ang kanyang paa. Hehehe…

Sa kanyang pagbaba lang mula sa entablado pagkatapos ng kanyang 2 oras at 45 minutong pagsasalita ay ingat na ingat ito sa kanyang mga hakbang, nakahawak ang kanang kamay sa wall habang naghahanda ang kanyang mga alalay sa pagsalo just in case mahulog ito.



At sa kanyang speech, sinabi niya mismo na nahirapan siyang huminga. Baka nga raw doon pa siya matigok. Hehe..

Sabi, bago pumunta sa kanyang SONA si Digong, dumaan muna ito sa kanyang duktor.



Last month, June 12, sa paggunita sa Independence Day, muntik din madapa si Digong habang naglalakad. Mabuti’t maagap ang kanyang mga closed security at agad siyang nahawakan.

Sa ilang malaking okasyon na kanyang dinaluhan, kita sa kanyang paglalakad na hirap ito, parang lasing, talagang madadapa kung walang aalalay.



Anyway, intindihin nalang natin na 76 years old na nga si Digong at patapos narin naman ang kanyang termino. Pero kung tatangkain pa niya ng another six years para sa Bise Presidente naman, duda ako na kakayanin niya pa ang stress sa pagiging public servant, maliban nalang kung kukuya-kuyakoy nalang siya at mang-aasar sa kanyang mga kalaban sa politika. Mismo!

***

Sa kanyang SONA, hayagang inindorso ni Digong si Senate President Tito Sotto para Vice President.

Puna ng madlang pipol: Tatakbo si Digong na VP tapos inindorso niya ang kanyang kalaban?

Paliwanag ni Harry Roque, biniro lang ni Digong si Sotto. Ganun? Kawawang Sotto, pinaglaruan ni Digong. Haha…

Hindi lang naman kay Sotto ito ginawa ni Digong. Inindorso niya rin noon si Senador Manny Pacquiao para su-nod na Presidente ng bansa. Pero nang malamang desidedo nga si Pacquiao tumakbo sa 2022, binibira niya na ito ngayon. Wala raw “K” maging pangulo, ‘di raw nagbabasa. Mag-aral daw muna. Aray ko!!!

Seryoso tayo. Ang malamang na iendorso ni Digong para sa pagka-pangulo ay kung hindi si Sen. Bong Go, ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Pustahan!

***

Isang concerned citizen mula sa Tawi-Tawi ang nag-text sa atin hinggil sa Philippine Statistics Authority sa Tawi-Tawi:

“Sir Joey, hindi maganda ang nangyayari dito sa PSA-Tawi-Tawi. We applied for Birth Certificate authentication in March 2021 and supposed to claim 3 months after. But told us dat da batch of papers daw we belong were not process because accordingly da PSA-Zambo stopped processing application due to an unknown rationale. As a result, PSA-Tawi-Tawi gave us only P195 as refund out of da P280 dat we paid as processing fee. Pls help us stop this existing anomaly from victimizing people of Tawi-Tawi.

PSA RD Ariel Florendo pls investigate this, boss!