Advertisers
NASAWI ang dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, nang tamaan ng kidlat habang nagtatanim ng palay sa Pinili, Ilocos Norte.
Kinilala ang mga biktima na sina Noel Ceredon, 15 anyos; at Ronald Pagatpatan, 3.
Sugatan naman ang tatlo pa nilang kasamahan na sina Jonel Pagatpatan, Adrian Loyd Cacalda at Francis Pagatpatan, na ginagamot sa ospital.
Dahil dito, pinag-ingat ang mga magsasaka na nagpupunta sa bukid lalo’t madalas ang pagkidlat tuwing umuulan.