Advertisers
Ni Juliet Pacot
MALABONG maghiwalay ng landas ang magsyotang sina Barbie Forteza at Jak Roberto kaya fake news ang kumalat na break na sila.
Sa halip, ngiti lang ang naging sagot ni Barbie sa isang mapanirang Facebook post tungkol sa hiwalayan nila ng boyfriend.
Nakabandera ritong naghiwalay raw ang Kapuso couple dahil hindi binati at binigyan ng regalo ni Jak si Barbie sa kanilang monthsary.
Nangako raw kasi sila sa isa’t isa na kada buwan magkakaroon sila ng exchange gift tuwing monthsary nila.
Nakasaad sa pekeng Facebook post: “JUST IN: Barbie Forteza and Jak Roberto announces breakup after four-year relationship.
“Forteza said that the reason of their breakup was because the actor forgot that it was actually their monthsary today.
May kasama pa itong quote card na animo’y pahayag niya sa hiwalayan.
Ayon pa sa umano’y statement ng Kapuso star: “Monthsary po kasi namin.
“Napag-usapan po namin na hindi na po yearly kundi monthly dapat ay may exchange gift pero ‘di n’ya po ako binati at nakalimutan n’ya.
“I know my worth and I had enough kaya po ako nakipag-break kesa naman po maging toxic, di ba? Sana po masaya siya.
Sa caption ng kanyang Twitter post, binilugan ni Barbie ang numero ng reactions, comments, at shares ng nasabing pekeng post.
Aniya, “125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome.”
Apat na taon na ang relasyon nina Barbie at Jak. Ipinagdiwang nila ang kanilang fourth anniversary noong May 19, 2021.
Sa kanyang Instagram post, ginawan ng tula ni Barbie ang nobyo bilang pagbati noong araw mismo ng kanilang anibersaryo.
Mababasa sa post ni Barbie:
“Four years.
“Four years na kitang kasama.
“Four years na tayong nagtatawanan.
“Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema.
“Four years na tayong nagsspicy noodles.
“Four years na tayong masaya.
“FOUR YEARS NA AKONG MASAYA.
“Sana FOUREVER na.”
Sabi pa niya sa nobyo, “Ano sa tingin mo? Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! I love you.
“p.s. Throwback photo na lang muna from our Coron trip 3yrs ago”
May sweet na mensahe rin si Jak para sa girlfriend.
Nangako siyang si Barbie na ang “The One” sa kanya.
Ani Jak, “Too many to mention mahal ko.
“Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang The One, salamat sa pag intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin! “Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!!!”