Advertisers

Advertisers

Olympics: Team USA vs Spain sa men’s basketball quarterfinals

0 212

Advertisers

MAGTATAPAT ang Team USA at Spain sa quarterfinals sa Tokyo Olympics kapag nagsimula na ang knockout rounds ngayon Martes sa Saitama, Japan.

Dinaig ng Americans ang Spain sa nakalipas na 3 Olympics— sa 2016 semifinals at sa finals sa 2012 at 2008- at 16-2 laban sa kanila sa Olympic at World Cup play overall.

Nalaglag ang Spain sa seeded pool 95-87 loss sa Slovenia sa Group C finale. Habang ang US natalo sa opening kontra Group A winner France. Ang parehong team ay nagtapos second sa kanilang grupo.



Ang U.S at Spain ay No.1 at 2 ayon sa pagkakasunod sa world rankings.

“If you’re going to get that gold medal, you’re going to beat everybody,” Wika ni Spain’s Marc Gasol of the unusually early matchup between the countries. “At that point, it doesn’t matter, the order.”



Ang iba pang quarterfinals ay ang France vs Italy,Australia vs Argentna, at Slovenis vs Germany.

Ang Team na matalo sa quarterfials ay out na sa tournament. Ang apat na magwawagi ay uusad sa semifinals, ang magwawagi ay mag-uuwi ng gold at silver at ang matatalo ay magtutunggali para sa bronze.



Ang gold medal game ay sa Biyernes, at ang bronze medal game ay kinabukasan.