Advertisers
NAIS hilingin ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Department of Agrarian Reform (DAR) na gumawa ng hakbang para malaman at revalidation sa buong bansa ang kalagayan ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) upang mabatid kung pag-aari pa ng mga magsasaka at nasa kanila kontrol ang mga lupang ipinagkaloob sa kanila ng DAR ayon kay KMP Chairman Emeritus Rafael Mariano.
“It has been too easy for DAR to show off CLOA distributions as successes, but whether the farmers retain possession and control over the awarded lands long after the ceremonies is a wholly different matter. We have been demanding a nationwide re-validation but the DAR Secretary John Castriciones seems uninterested.”
Nabatid sa isang press release tinukoy ni Mariano na walang katiyakan na ang CLOA na ibinigay sa magsasaka ay kasiguruhan sa seguridad ng farmer-beneficiaries.
“CLOA issuance in itself does not and cannot ensure the expropriation of landlords or the tenurial security of farmer-beneficiaries” ani pa ni Mariano.
Samantala ayon pa sa dating DAR secretary ibinigay na halimbawa nito ang Hacienda Luisita noong 2017 nagsagawa ng revalidation ang DAR sa ilalim ng kanyang termino bilang secretary at nagdiskubre na 83% umano ng ARBs ay hindi nap ag-aari o wala na sa kamay ng awarded lands na magsasaka ang naturang lupa.
Kaugnay nito sinabi pa ng lider ng magsasaka na sa kasalukuyan kasalukuyan data umano ng DARs amortization collection na may petsang March 2015 at ang estado ng mga ito ay mataas sa 89% ng mga ARBs ay hindi nakakabayad ng kumpleto sa kanilang lupa habang 30% sa mga ito ay nanganganib sa disqualification.
Nabatid pa kay Mariano sa ilalim ng CARP, ang ARBs na mabibigong makapagbayad ng kanyang amortrization sa loob ng tatlong taon ay madi-disqualified bilang beneficiaries ng lupang ipinagkaloob sa kanyang ng gobyerno.
Kaugnay nito sinabi pa ng chairman Emeritus ng KMP na base sa 2000 na pag-aaral ng DAR nabatid na may 70% ng lupang agraryo na nai-award bilang Voluntary Land Transfers ay napunta o napasakamay ng mga landlord o dummies lamang nito.
Samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), subalit hindi sumasagot sa text message, private massage at hindi makontak sa tawag sa cellphone ang mga opisyal ang opisyal ng Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) ng DAR. (Boy Celario)