Advertisers

Advertisers

Don’t panic! Mga bata na nagka-Covid gumaling

0 349

Advertisers

SINABI ng Philippine General Hospital (PGH) na karamihan sa mga batang nako-confine dahil sa COVID-19 ay gumagaling.

Ito, ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, ay kahit pa naging malala o kritikal ang naging karamdaman ng mga bata.

Sinabi ni Del Rosario na sa ngayon ay nananatiling puno ang 12 kama ng COVID-19 pedia ward ng pagamutan at may apat pang pasyente na naghihintay na ma-admit.



Gayunman, ang maganda aniya ay kahit pa nagiging severe o kritikal ang mga bata dahil sa COVID-19, karamihan sa kanila ay nakakarekober, bagama’t inaabot ng matagal ang pagpapagaling ng mga ito.

Aniya pa, ang PGH ay may 6% mortality rate lamang sa mga batang pasyente ng COVID-19.



Ang mga batang pasyente, aniya, ay nagkakaedad lamang ng wala pang isang buwan hanggang 15-taon.

Pinapayagan din, aniya, nila na isa sa mga magulang ng mga paslit ang magbantay sa loob ng intensive care unit (ICU) para makita ang kanilang anak. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">