Advertisers

Advertisers

Problema ng mga manganganak

0 428

Advertisers

MALAKI palang problema para sa mga buntis partikular ‘yung manganganak na ang pagpasok sa ospital.

Mantakin mo halos lumabas na ang sanggol sa kanilang sinapupunan ay hindi parin sila basta maipasok sa ospital hangga’t hindi sumailalim sa swab test o rapid test. Kailangan malaman muna ang resulta ng test bago sila i-accept.

Kaya pala kadalasan ay sa kalye na inaabot ng panganganak ang mommy dahil sa kahihintay ng resulta ng Covid test. Ang ibang mommy, kapag minalas-malas at naubusan ng dugo sa kahihintay na maipasok sa ospital ay namamatay. Tapos todo deny na rito ang ospital.



Ang isa pang masaklap rito, kapag lumalabas ang resulta ng swab o rapid test na positibo kuno sa Covid, ia-isolate ang mommy, ang baby, at ang nagdala kay mommy sa ospital. Kaya doble doble ang babayaran nila sa ospital.

Kaya bawal ngayon magbuntis si misis. Mag-condom o withdrawal muna si daddy. Hehehe…



Narito ang kuwento ng netizens na nakaranas ng ganitong pangyayari:

– “Opo totoo po yan. Nong June 21 po ako nanganak bago pumasok ospital antigen test muna. Kaya tumae na baby sa loob ng tummy ko… tagal ng hintay result.” – Nheng Cesar Galicia



– Un tiyuhin ko nga na-heart attack ‘di pa na-swab test… covid agad sinabi. Kaya cremate daw agad. Nun lumabas swab test, negative sa covid… Mga impakto mga taga-ospital, sunog na tiyuhin ko… at ‘di sana mamatay un kung meron agad tumanggap na ospital. 3 ospital pinagdalhan bago may tumanggap.” – Bernabe Beck

– Hayys… mamamatay ang buntis sa paghihintay, emergency na nga. Tulad din ng kumpare ko, hinahapo, hindi inasikaso sa ospital, wala pa raw swab test. Ayun…sa paghahanap ng ospital na tatanggap, natuluyan! Sa halip na lapatan ng lunas at lagyan ng oxygen. Buhay ng tao ngayon ‘pag nagkasakit, covid!, wala nang iba. – Dick Garay

– Standard daw ang swab test bago tanggapin sa ospital. Paano kung nabaril at naaksidente, mamamatay na, swab test muna bago admit. – Dick Garay

– True! Pagka-oras na lalabas ng hospital or after labas ng bata, hindi makapag-checkout kasi positive na! – Dhiding Shie Mateo

***

Sa lingguhang virtual ‘Meet the Press’ forum ng National Press Club nitong Biyernes ng umaga, isa sa mga naging guest namin si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor.

Ikinuwento ni Defensor ang malaki ring katiwalian sa paggamit sa pondo ng local government ng Quezon City laban sa Covid-19. Mahigit, aniya, isang P1 billion ang pinag-uusapang katiwalian sa QC gov’t. na pinamumu-nuan ni Mayor Joy Belmonte

Sa pagbili lang, aniya, ng face shield ay nakalagay sa resibo dated December 21, 2020, na nabili ito ng LGU QC ng P67.50. Gayung ang halaga lamang nito kahit sa maliliit na tindahan ay P10!

Kaya sa gagawing inquiry ng Kongreso sa mga LGU tungkol sa katiwalian sa pagbili ng mga face mask at face shield ay ipatatawag nila ang head ng procurement department ng LGU QC.

Ipatatawag din nila ang local COA kung paanong naisyuhan ng ‘Outstanding’ ang LGU QC gayung malinaw pa sa sikat ng araw ang katiwalian sa pagbili ng facemask at face shields. Abangan!