Advertisers

Advertisers

Bulkang Taal muling nag-alburoto, 64 pagyanig naitala

0 262

Advertisers

NAG-ALBUROTO ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 64 pagyanig sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24-oras Agosto 20, 2021 (Biyernes) iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi ng Phivolcs bukod sa pagyanig naitala rin ang ang pagbuga ng mainit na volcanic fluids sa Bulkang Taal.

Ayon sa huling bulletin ng Phivolcs sinabi nito na nakakatanggap na rin umano ang ahensya hinggil sa masamang epekto sa mga residente ng Talisay at Brgt. Barigon, Agoncillo hinggil sa pag-aalboroto ng bulkang Taal.



Nabatid pa sa Phivolcs patuloy na nakataas sa alert level 2 ang Bulkang Taal at pinaalalahanan ang publiko sa banta ng pagputok ng bulkan, volcanic earthquake, minor ashfall at pagbuga ng volcanic gas.

Bunga nito mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa paligid ng bulkan na nasa ilalim ng Permanent Danger Zone (PDZ) lalo na malapit sa bunganga ng bulkan.



Samantala pinayuhan din ng Phivolcs ang local government official sa lugar na patuloy na i-assess at palakasin ang paghahanda sa sandaling kailanganin ilikas ang mga residente na naninirahan sa malapit na barangay .

Kaugnay nito pinaalalahanan din ng ahensya ang Civil aviation authorities na abisuhan ang kanilang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng ash at ballistic fragment sa hindi inaasahan pagputok ng bulkan.



Nauna rito ang Bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito. (Boy Celario)