Advertisers

Advertisers

Sanya nagagalingan sa sarili; Serye ni Alden stop muna, babalik sa Nobyembre

0 377

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAY  season break ang The World Between Us kaya hanggang sa Biyernes, August 27 na lang muna ito mapapanood at magbabalik sa November 15.

Kaya naman may mga pasabog matindi ang kuwento ng mga karakter nina Louie (Alden Richards), Lia (Jasmine Curtis-Smith), Brian (Tom Rodriguez), Rachel (Dina Bonnevie) at Yatchie (Jaclyn Jose).



“Marami na po talagang mababago,” pahayag ni Alden sa virtual mediacon kamakailan ng The World Between Us.

“Kagaya ng sinabi ko po na sinasabi nila na ayaw na po nila ng masyadong madrama si Louie, ayaw nila ng masyadong emotional, paawa, inaapi.



“Iyon po yung babaguhin natin.

“Hindi na po yun ang ibibigay natin. Kasi, we see po na people are more interested in watching us kapag medyo iniiba na po yung take sa mga eksena po na binibigay sa akin.



“Kumbaga, we tested it now, ito po yung naging result. So, move forward.

“Dun po kami sa Plan B ngayon. We’ll do po a different take on the role.”

Babalik si Alden sa Eat Bulaga! kapag tapos na ang susunod na lock in taping ng The World Between Us.

“Babalik po ako, huwag po silang mag-alala. Pag natatapos po kasi ang lock-in namin, meron lang pong ilang araw para magawa po yung mga trabaho namin outside, pero hindi po ganun kahaba.

“Kasi bumabalik po kami agad sa quarantine after. Mahaba na po yung five days. Ganun lang po yung break namin, kasi we really wanted to finish the show as much as we can.

“Ayoko naman po kasi na babalik ako sa Bulaga and yun din naman, nagpaalam naman po ako. Nagsabi naman po ako na after The World Between Us, babalik na po ako.

“Sa ngayon po, iyun po talaga ang nagagawa ko lately, and hindi po ako nakakabalik kahit sa Eat Bulaga.

“Paglabas po, nagsu-shoot po ako ng endorsements. Medyo mahirap po ang scheduling, kasi very tight po.

“Kasi sobrang laking hindrance po yung quarantine bago pumasok sa bubble. Iyun po ang mahaba kasi.”

Starting August 30, Monday, iaakyat na ang timeslot ng Legal Wives, susunod ang replay ng Endless Love, at ang K-drama na The Penthouse.

Samantala, hindi si Alden ang leading man ni Bea Alonzo sa unang teleserye na gagawin ni Bea sa GMA, lalo pa nga at kung sa November 15 ay babalik na ang TWBU, imposibleng makapaglagare si Alden sa dalawang teleserye.

May umiikot kasing ganitong balita.

“Kasi, based on my knowledge po, alam ko po movie pa lang po yung pagsasamahan namin.

“And wala pa naman pong nabibigay sa akin na word kung meron po ba kaming gagawin na teleserye, kung ano po yung advice ng aking mga bossing po.

“Pero right now po, yung movie po is tuloy. Tatapusin ko lang po yung The World Between Us,” paliwanag pa ni Alden.

***

SI Sanya Lopez ang panibagong karagdagan sa mga Kapuso artists na ni-renew ng GMA ang kontrata.

At sa Zoom mediacon para kay Sanya na ipinatawag ng GMA kamakailan, tinanong namin si Sanya, kung may nais siyang sabihin sa sarili niya, ano iyon?

“Sasabihin ko po sa kanya, ‘Ang galing mo! Kasi kinaya mo, e.’

“Parang, ‘Akalain mo yun?’

“Kasi, akalain mo nga yun, di ba? Kumbaga, sino ba naman ako, kumbaga para mai-partner sa pinakamalalaking artista ng GMA?

“Sino ba naman ako para bigyan ng ganitong kalaking role? Sino ba naman ako?

“So lagi kong nire-remind sa sarili ko, kaya bilib rin ako sa sarili ko. Na minsan, hindi ko maiwasan, ‘Nakakabilib ka Shaira, ha?’

“As in si Shaira ha, hindi si Sanya.”

Shaira ang tunay na pangalan ng Kapuso actress.

“Sabi ko kay Shaira, ‘Kinaya mo yun?’

“Parang ganun. And sabi ko lang po talaga na thank you po talaga, thank you talaga kasi… iyon po e parang, kinaya ko, kinaya ko at sa tulong rin po ng GMA Artist Center, ni Tatay, of course, si God, at lahat ng nagmamahal sa akin, sumusuporta sa akin, at ang family ko.

“Sila po talaga e, kaya utang na loob ko sa kanila kung anuman yung nangyayari sa akin ngayon,” wika pa ni Sanya.

Marami na ang nag-aabang na gawin ni Sanya ang First Lady sa GMA, ang kasunod na serye matapos ang napaka-successful niyang First Yaya with Gabby Concepcion.