Advertisers
DAHIL sa matatag na “political will” at determinasyon ni Pangulong Duterte kaya mas mabilis na naisasakatuparan ang mga pagawaing bayan o imprastratura tungo sa tuloy-tuloy na pagsulong ng bansa, ayon kay Senator Christopher “Bong” Go.
Pinuri ni Go ang Duterte administration sa patuloy na pagpapalakas ng bagong “era” ng infrastructure development sa bansa kasabay ng personal niyang pagdalo sa inagurasyon ng Cavite – Laguna Expressway (CALAx) Silang East Interchange section noong Martes.
Ang CALAx ay public-private partnership sa pagitan ng gobyerno at MPCALA Holdings Inc., ang subsidiary ng Metro Pacific Investments Corporation. Ang nasabing proyekto ay 45-kilometrong closed-system tolled expressway na nagkokonekta sa Manila – Cavite Expressway (CAVITEx) sa South Luzon Expressway (SLEx).
“The opening of the CALAx will greatly improve the mobility of many Filipinos who are residing in Cavite and Laguna but are working in the National Capital Region. Apart from that, it will also provide an alternate route to Tagaytay, one of the most popular tourist destinations in the region.”
“The flagship Build, Build, Build Program of the Duterte Administration is not only brought about by the need for infrastructure development, but is also a result of our current administration’s determination and strong political will to provide comfortable lives for all Filipinos,” ayon kay Go.
Sa pamamagitan ng CALAx, mababawasan na ang travel time sa pagitan ng CAVITEx at SLEX. Mula sa isang oras at kalahati, magiging 45 minuto na lamang ang biyahe. Nagsimula ang konstruskyon sa CAVITEx Connection sa Kawit, Cavite at nagtapos sa SLEX – Mamplasan Interchange sa Biñan City, Laguna.
Magiging solusyon din ito sa traffic congestion sa Aguinaldo Highway at Sta. Rosa – Tagaytay Road. Inaasahang makukumpleto ang CALAx sa kaagahan ng 2023.
Pinuri ni Senator Go sa proyektong ito ang matagumpay na pakikipag-ugnayan ni Pangulong Duterte sa private sector sa pamamagitan ng transparent at maayos na proseso ng batas.
“Gusto ko lang pag-usapan itong political will. Lahat naman ng administrasyon ay merong mga sariling infrastructure projects na nakaalan. Pero ito ‘yung nangyari sa administrasyon ni Pangulo Duterte. Ang Skyway, halimbawa, naging mahirap tapusin ‘to dahil maraming properties ang matatamaan.”
“Nag-warning si Pangulo sa mga nag-file ng temporary restraining order. Finally, marami ang natapos na proyekto. Dahil ‘yan sa political will. Palagi pinapaalala ng Pangulo na unahin natin ‘yung interes ng kakaramihan to make life more comfortable for all Filipinos,” ayon sa mambabatas.