Advertisers
Tampok ang tatlo at iba sa novelty song ng Big 3 Sullivans. Immortalized na sila sa awitin.
Ang pinaka-motivation ni PBA legend Freddie Webb na mapasama sa 1972 RP cage team sa Munich Olympics noong 1972 ay ang kanyang last-minute non-inclusion sa 12-man final line up ng pambansang koponan noong 1968 sa Olympiada sa Mexico.
Yan ang tinuran ng numero 14 ng Yco-Tanduay nang maging espesyal na panauhin natin siya sa Boomers’ Banquet noong nakaraang buwan.
“ Kasama pa ako sa 15 na bumubuo ng national basketball team natin pero isa ako sa natanggal kaya pinangako ko sa aking sarili na ipakikita ko ang husay upang maging karapat-dapat sa susunod,” yan ang diniin sa atin ng dating pulitiko.
Hayun naging miyembro nga siya ng pinadala natin sa siyudad ng Germany taong 1972, ang huling Olympics ng ating cage squad.
Kasabay niyang sumabak sa Montreal sina Bogs Adornado, Narciso Bernanrdo, Danny Florencio, Jun Papa, Jimmy Mariano, Joy Cleofas, Yoyong Martirez, Manny Paner, Marte Samson, Ed Ocampo at Tembong Melencio. Ang 6-4 na si Mariano pa ating flag bearer noon.
Coach nila si Ning Ramos at manager si Doming Itchon. Bale 13th place sila sa competition.
Ang isa pang recollection ng speedster ng Painters ay ang kanilang rivalry ni Martirez sa pabilisan sa loob ng hardcourt.
Kapwa silang mga maliliksi at mahuhusay mang-agaw ng bola. Minsan ay na feature silang dalawa ng Sunday Times Magazine at pinagkarera pa ng 100-meter dash sa Rizal Oval.
Pareho rin silang nag-artista pagkatapos ng buhay-basketbolista. Nalinya sila sa comedy. Si Webb isa sa bida ng sitcom na Chicks-to-Chicks habang naging mainstay si Martirez ng mga pelikula ni Vic Sotto.
Naging mga pulitiko rin ang mga speed demon. Si Freddie naging konsehal sa Pasay, kongresista sa Paranaque at nahalal na senador. Isa sa tatlong basketeer na naging kasapi ng mataas na kapulungan. Ang 2 pa ay sina Ambrosio Padilla at Robert Jaworski. Samantala naging miyembro ng konseho at bise-alkalde si Yoyong ng Pasig.
***
Noong Huwebes ng gabi nasumpungan natin si Atoy Co sa movie ni Dolphy na Abracadabra noong 1994. Lumabas siya na alias Boy Ponga na kasangga ni Pidol sa kulungan. Kabituin din nila ang boxing referee na si Carlos Padilla Jr, balae ng Comedy King sa totoong buhay. Ama siya ni ZsaZsa na huling real-life partner na may-ari ng RVQ Productions.
Naging uso noon ang pagkuha sa mga player dahil sa marami rin silang fans. Si Fernando Poe Jr ay madalas binibigyan din ng papel kahit cameo role lang ang tulad ni Co. Minsan mga taxi driver sila sa film na May Isang Tsuper ng Takasi taong 1990. Napabilang sina Philip Cesar, Bernard Fabiosa, Abet Guidaben, Alvin Patrimonio, Benjie Paras, Onchie de la cruz, Chito Loyzaga.
Si Jaworski naman extra sa mga film ng biyenan na si Ramon Revilla Sr.