Advertisers

Advertisers

Marion Aunor bagong career milestone ang pagiging co-founder at creative head ng Wild Dream Records

0 359

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SOBRANG kasiyahan ang naramdaman ng talented na singer/songwriter na si Marion Aunor nang ipinanganak ang Wild Dream Records.

Si Marion ang co-founder and creative head ng naturang music label. Ka-partner niya rito ang top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario.



Paano ito nag-materialize? Siya ba ang nag-propose sa Viva or vice versa?

Esplika ni Marion, “Sabi ko lang po na gusto ko talagang mag-start na ng sarili kong label, then nag-offer si Boss Vic na mag-partner kami.”



Nabanggit din ng panaganay ni Ms. Maribel Aunor kung gaano siya kasaya sa pangyayaring ito.

“Very happy and grateful po na may bagong career milestone. Grateful sa Viva and kay boss Vic. Excited na sa mga mare-release na music,” masayang wika pa niya.



Ibig bang sabihin ay mas magiging active siya sa music, pati sa ibang artists?

“Opo, ngayon ay naghahanap ako ng mga bagong artists/groups na puwedeng i-sign sa label,” matipid na tugon ni Marion.

Ang sister niyang si Ashley na isa ring mahusay na musician, may papel din ba rito? Ano ang plano niya sa Wild Dream Records?

“Si Ashley ay ka-work ko po sa Aunorable Productions lang, pero for the upcoming releases, halos Aunorable Productions naman din po ang nag-produce ng songs.

“Plan ko po na ipakilala muna siya sa music industry and release some great music,” nakangiting pahayag pa niya.

Incidentally, after ng pelikulang Revirginized na tinampukan ni Sharon Cuneta, nalaman din namin na may bago na namang pelikula si Marion. Ito ay pinamagatang Sarap Mong Patayin na mula sa pamamahala ni Direk Darryl Yap.

Isa raw itong psycho-comedy at bukod kay Marion, kasama sa casts sina Ariella Arida, Kit Thompson, Lassy, Tart Carlos, at Bob Jbeili.