Advertisers

Advertisers

‘Di sumipot sa Senate investigation sa overpriced face masks/face shields…MICHAEL YANG PINAAARESTO!

0 327

Advertisers

INISYUHAN ng Warrant of Arrest ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang matapos na hindi ito dumalo sa pagdinig ng komite hinggil sa procurement ng pamahalaan sa umano’y overpriced na COVID-19 equipment.

Una nang nag-isyu ang senado ng dalawang subpoenas kay Yang para humarap ito sa pagdinig at sagutin ang mga katanungan ng mga senador sa umano’y koneksyon ng Pharmally Pharmaceutical Company Corporation sa naturang procurement issue.

Bukod kay Yang, inaprubahan din ni Senator Richard Gordon na chair ng naturang komite ang panukala ni Senator Kiko Pangilinan na isyuhan ng Warrant of Arrests ang ilang opisyal ng Pharmally na kinabibilangan nina: Mohit Dargani; Twinkle Dargani; Linconn Ong; Krizle Grace Mago; at Justine Garado.



Samantala, inobliga naman ng committee si Pharmally chairman at President Huang Tzu Yen na panumpaan ang buong salaysay na isiniwalat nito sa Senado sa Philippine Embassy sa Singapore.

Sinasabing nasa Singapore si Huang at hindi ito masasaklaw ng batas sa Pilipinas.



Subalit ayon sa Pharmally official, walang problema sa kaniyang panig dahil agad niyang panunumpaan ang mga sasabihin sa hearing sa embahada ng Pilipinas sa kanilang bansa.

Una rito, inilutang ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang posibilidad na hindi mabigyan ng bigat ang salaysay ni Huang dahil wala ito sa hurisdiksyon ng ating bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">