Advertisers

Advertisers

Balasan ng mga Cayetano sa Taguig

0 321

Advertisers

NAKATITIYAK akong lahat ng pulitiko sa buong bansa ay naghahanda sa eleksyon.

Ungas nang matatawag ang sinumang pulitiko na hindi naghahanda para sa labang susuungin nila mula kampanya hanggang matapos ang halalan.

Mayroong mga pulitiko at mga ‘tirador’ nila ang nakikipag-usap pa sa ibang pulitiko, lalo na sa antas ng nasyunal na labanan g pampulitika.



Ngunit, ungas na pulitikoang pulitikong walang kongretong hakbang hanggang kasalukuyan, gayong nalalapit na ang paghahain ng certificate of candidacies (COCs) — Oktubre 1 hanggang 8.

Kasama sa paghahanda ng mga pulitiko ay ang paglabas ng kanilas mga patalastas sa telebisyon.



Ang totoo, kahit saang anggulo silipin, nangangampanya na ang mga pulitikong may patalastas sa telebisyon.

Opo, walang salitang “iboto”, ngunit mas malinaw pa sa sikat ng araw na nangangampanya na sila.



Hindi akonaniniwala na hindi pa sila nangangampanya kahit isang milyong ulit nilang itanggi dahil hindi naman ako ipinanganak kahapon upang hindi maunawaan an ang layunin ng patalastas ng mga kakandidato sa halalan.

Isa sa kanila ay si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano.

Sabi ni Alan sa media mahigit isang buwan na ang nakalipas na presidente ang tatakbuhan niyang posisyon.

Binanggit ito ni Cayetano kahit alam na alam niyang palaging sobrang baba ng iskor niya sa lahat ng sarbey sa mga “presidentiable”.

Pokaragat na ‘yan!

Nakakuha ng impormasyon ang BIGWAS! na hindi sa halalang pampangulo ang totoong target ni Cayetano, kundi Senado.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi lang alam ng impormante ng BIGWAS! kung kaninong pangkat sasali si Cayetano.

Kasapi ng Nacionalista Party (NP), ngunit ang NP ay kaalyado ng administrasyong Duterte.

Isa pa, malabo nang maging sanggang-dikit ng administrasyong Duterte si Cayetano dahil mayroong ‘banggaan’ umano sina Cayetano at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.

Kung sa Senado ang tudla ni Alan sa eleksyon sa susunod na taon, sino ang papalit sa kanya bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod ng Taguig?

Ayon sa impormante, walang pinal na desisyon ang mga Cayetano kung sino ang ‘ilalagay’ nila sa kanilang kaharian.

Ang asawa niyang si Taguig District 2 Representative Maria Laarni “Lani” Cayetano ay babalik umano sa pagiging alkalde ng lungsod.

Pokaragat na ‘yan!

Ang kapatid ni Alan at bayaw ni Lani na si Mayor Lino Cayetano ay babalik at papalitan si Lani sa Distrito Dos.

Balasahang maliwanag!

Ganyan talaga ang pulitika sa Pilipinas hanggang ngayon.