Advertisers

Advertisers

Julia Barretto may ayaw balikang nakaraan

0 241

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SA interview ni Karen Davila sa mag=asawang Chiz Escudero at  Heart Evangelista ay isa sa naungkat at natanong ay kung magkakaroon ng reunion movie si Heart sa ex=boyfriend nito na si Jericho Rosales ay payag kaya ang husband ng actress.

Hindi naman ikinaila ni Heart na maraming beses na nilang nagpa-usapan ni Chiz ang tungkol dito at sagot daw sa kanya ni Chiz, ”it`s  up  to  you.”



“It`s  up  to  her. If  it  will  help her,  If  it  will  make  her  grow, for me… again, hindi  ako selosong tao.” say ni  Chiz.

Sabi naman ni Heart, “NR (no reaction) siya, sobrang NR.”



Tanong naman ni Karen kay Heart, kung may mga babae ba ayaw niyang  makasama ni Chiz.

“Honestly, he makes me feel  really, really secure. But  because when  you  talk  to  him   and  you  get  to know this guy,  you  will be so surprised na pinipilahan  siya ng maraming babae,” say ni Heart.



Biro tuloy sa kanya ni Karen kung naka=helmet ba siya.

Sabi pa ni Heart, “he`s  really  such  a  good  guy!  He`s  so smart, conversation`s  so  good, it`s  so  sexy. And  his  appeal, his gravitas  is just  on  another  level.”

Hindi raw si Chiz ang tipo ng lalake na mangangaliwa at hindi rin raw ito malandi sa babae. Kailangan malakas daw ang personalidad ng isang babae para makuha ang  attention ng kanyang husband.

Well, let  see. What will happen after 10 or 20 years ng kanilang pagsasama.

***

Tinanong si Julia Barretto at dalawa niyang leading men sa Di Na Muli na sina Marco Gumabao at Marco Gallo  kung ang mga bagay na hindi na nila muling babalikan.

Sabi ni Marco, hangga`t  maaari raw sana ay ayaw niyang pagsisihan ang mga nagawa niyang desisyon sa buhay. Pero kung may nagawa man siyang pagkakamali ay aayusin na lang niya para itama.

Si Gallo ay masaya daw sa lahat  ng nangyari  sa kanyang buhay at  kung mayroon siyang ayaw nang balikan ay ang old Marco at ang mga pagkakamali nagawa niya in the past.

Para naman kay Julia ay may isang bagay daw siyang ayaw na niyang balikan.

“Ako, I  would  have to agree with Marco (Gumabao). I  don`t   believe  in  regrets  and  and I  don`t  believe  in  regretting  anything especially  if  it  brought   you  to  where  you  are  in life right now. And  I`m  pretty  grateful  for  where  I  am  right  now  and  happy  and content.

“Siguro, yung  akin na lang  is kung  meron akong `di na muli na babalikan  na moment   or   pangyayari  sa  buhay  ko, siguro  `di ko na babalikan yung moment  na kinakailangan  kong magpaalam  sa  lolo  ko.

“Masakit  yun, eh. Masakit  yung  kailangan  mong magpaalam  at mawalan  ng mahal mo sa buhay,” say ni Julia.

Year 2019 nang yumao ang lolo ni Julia na si Miguel  Barretto (ama ng kanyang ina na si Marjorie Barretto)

Naungkat  din kay Julia ang recently magandang pangyayari sa kanyang buhay, ang pagpasok niya sa Philippine Coast  Guard Academy (PCGA). Inamin naman niya na ang present boyfriend niyang si Gerald Anderson ang nag-motivate  sa kanya  na maging member na rin ng hukbo.

“Alam naman siguro ng lahat  na si Ge ay isang miyembro ng Philippine Coast Guard for a couple of  years now. So, nakasama `ko sa iba niyang nagawang  mga  charity  works  sa project  niya, sa mga donation  drives niya. Madalas ko rin nakakasama siyempre  yung  Philippine Coast Guard everytime  they come up with  events  and projects  like that.

“So they asked me if I was interested  in joining, and I  thought  it  was  a good  idea since  sumasama  na rin ako. And because I  learned  as  a  volunteer. Bilang isang volunteer, ,makaka-create  ka  rin ng projects  and mga events  na makakatulong  sa mga taong  nangangailangan  ng tulong natin. And  that  really  get  me  interested,” say pa ni Julia.