Advertisers

Advertisers

Husga ng netizens sa presidentiables/vice

0 468

Advertisers

TWENTY ONE (21) days nalang filing na ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa 2022 local/national elections.

But, so far… ang tandem palang nina Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto ang opisyal na nagdeklara ng kanilang kandidatura nitong Miyerkoles.

Hindi maganda ang reaksyon ng netizens sa social media sa tandem na ito. Negative! Oo! mga brutal na salita ang reaksyon dito ng netizens. Kaya sa tingin ko ay malabo pa sa sabaw ng pusit na lulusot ito. Mukhang sa basurahan sila pupulutin eh. Tama ba ako, Boss Jim Pilapil? Hehehe…



Pero sa totoo lang, mga pare’t mare, mahusay itong si Lacson. Bilib talaga ako sa kanya. Nasa kanya nang lahat ang requirements ng mahusay na lider. Nung maging Chief PNP nga siya ay napatino niya ang mga pasaway na pulis. Ang problema lang talaga ay hindi niya arok ang puso ng masa. ‘Yun ang dapat niyang kumpunihin ngayon para makuha ang malaking boto ng ordinaryong mamamayan.

Si Sotto naman ay tila walang paninindigan. Sumasayaw lang sa tugtog, karakter ng isang trapo. Pang ‘Iskul Bukol’ ang kanyang istelo. Ewan!



***

Nagdeklara rin ng kanilang tiket ang ruling party PDP Laban-Cusi faction. Presidente nila si Senador Bong Go at ang Bise ay si President Rody “Digong” Duterte.



Ang walo nilang senatoriables ay sina DPWH Secretary Mark Villar, Transportation Sec. Arthur Tugade, Presidential Legal Chief Sec. Salvador Panelo, PACC Chairman Greco Belgica, Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, Labor Sec. Silvestre Bello, Congressman Rodante Marcoleta at Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Ang apat pa para makumpleto ang senatorial ticket ay reelectionists.

Ganundin ang reaksyon ng netizens. Negative rin! Mukhang walang panalo. Kaya sa tingin ko ay reretokihin ito ni Digong.

Naalala ko noong 2016, bago pumasok si Digong sa piktyur ay pinag-file nya muna si noo’y Barangay Chairman Martin Dino. Tapos sa huling araw ng filing sa extention ay nagwidro si Dino at pumalit si Digong. Tingin ko ay ganito uli ang gagawing diskarte ng kampo ni Duterte. Pakiramdam ko ay si Mayor Sara ang tatakbong Presidente at si Bong Go ang Vice.

Malakas ang Sara-Go tandem kung tutuusin kesa Go-Duterte.

Si Sara ang kasalukuyang nangunguna sa mga survey. At si Go naman ay patuloy sa pagtaas ang rating.

Ang problema lang ng kampong Duterte ay tiyak na mawawala na sa kanila ang suporta ng mga nagtulong-tulong noong 2016 para manalo si Digong laban kina Mar Roxas, Grace Poe, Jojo Binay at Miriam Defensor.

Oo! mawawala na kay Duterte ang ‘solid north’ ng Marcos dahil mukhang desidido narin si Bongbong na kumasang presidente. Chance nya na raw. Hehehe…

Mawawala narin si Manny Pacquiao na panay na ang banat kay Duterte at nagpaparamdan na sumali sa presidential or vice presidential race. Mahahati ang boto ng Mindanao kapag tumakbo si Pacman. Pramis!

Gayundin si Manila Mayor Isko Moreno na dating nasa kampo ni Duterte. Nagbabanatan narin sila ngayon. Sabi nga ni Isko sa kanyang Youtube: “Magkikita tayo sa finals, Mr President.”

Op kors, hindi rin aatras itong si VP Leni Robredo na naikot narin ang Pilipinas at handa narin pamunuan ang bansa.

Si ex-President Gloria M. Arroyo na siyang tumulong ng malaki kay Duterte noong 2016 ay mukhang ayaw narin kay Digong.

Si Congressman Alan Peter Cayetano, isa rin sa nag-contribute ng malaking boto kay Duterte noon, ay mukhang bumubuo rin ng sarili niyang tiket. Aray ko!!!

Sa madali’t salita, ang mga tumulong kay Duterte noon ay kalaban niya na ngayon. Mismo!