Advertisers

Advertisers

PULIS SA GUN RUNNING AT CARNAPPING ‘SIBAKIN’

0 594

Advertisers

PINASISIBAK sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar, ang isang pulis Maynila na kabilang sa walong nadakip sa pagbebenta ng mga baril at sasakyan na depektibo ang mga papeles sa Parañaque City noong September 3 ng taon.

Ang pulis ay nakilalang si Staff Sergeant Michael Salinas, nakatalaga sa Manila Police District (MPD.

Ayon kay Eleazar, inatasan na niya ang PNP Internal Affair Service (IAS) na simula na ang imbestigasyon at summary dismissal proceedings laban kay Salinas.



Inihayag naman ni Major Gen. Vicente Danao, Jr., direktor ng National Capital Region Police Office, na posibleng si Salinas ang lider ng grupo.

“Isang pulis na naman ang nasangkot at nahuli sa paggawa ng iligal at tinitiyak ko na sisipain natin sa serbisyo ang Police Staff Sgt. Michael Salinas na ito sa patuloy nating paglilinis sa mga abusado at utak-kriminal sa aming hanay,” ngitngit ni Eleazar.



Mula July 2016, mahigit 5,000 pulis na ang sinibak sa serbisyo sanhi ng pagkakasangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidades kabilang na ang iligal droga.

Sinabi ni Eleazar na hindi lamang PNP ang makikinabang sa pagtanggal natin sa mga ganitong uri ng pulis kundi ang taumbayan na rin na dapat nilang pinagsisilbihan ng tapat at maayos. “Nakakatiyak ako na mas maraming Pilipino ang karapat-dapat na pumalit sa mga ganitong uri ng pulis lalo na at nagpatupad na tayo ng agresibong reporma sa recruitment palang upang salain ng maayos ang susunod na henerasyon ng mga pulis ng Pilipino.” (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">