Advertisers
Nueva Vizcaya – Kulong ang isang pastor na No. 1 Most Wanted Person a sa Purok 3, Barangay Abinganan, Bambang dito sa lalawigan.
Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Bambang PNP at Provincial Intelligence Unit si Pastor Julius Macasieb, 26 anyos, dahil sa kasong panggagahasa ng noo’y menor de edad pang biktima.
April 2012 nang itinalaga ang suspek bilang Pastor ng kanilang sekta sa naturang barangay. Taon 2017 nang mangyari ang pakikipagtalik umano ng pastor sa noo’y 17-anyos na biktima.
Nabuking ito at inireklamo sa pamunuan ng kanilang sekta ang nasabing pang-aabuso na nagresulta sa pagkakatanggal ni Macasieb.
Marso 2020, tinatakot ng suspek ang biktima na ikakalat sa publiko ang kanilang mga hubad na larawan kung hindi ito makikipagkita sa kanya.
Dahil sa takot, pumayag ang biktima at muling nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na maulit ang panghahalay.
Hanggang sa umabot na sa kaalaman ng pamilya ang muling pang-aabuso ng Pastor sa kanilang kaanak kung kaya’t dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul R. Attolba Jr. ng RTC Branch 30 Bayombong para sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa ang korte.