Advertisers

Advertisers

Giant-slayer Leylah Fernandez pasok sa US Open final

0 250

Advertisers

UMUSAD na si Leylah Fernandez sa kanyang unang Grand Slam final Huwebes matapos idispatsa ang world No.2 Aryna Sabalenka ng Belaruz sa US Open semifinals.

Fernandez, na unseeded 19-year-old prodigy na kinakatawan ang Canada na ang kanyang ina ay may dugong Filipino roots sinibak ang Wimbledon semifinalist Sabalenka 7-6 (7/13),4-6,6-4 at masungkit ang kanyang unang Slam crown Sabado sa Arthur Ashe Srtadium.

“I don’t know how I got that last point in but I’m glad it was and I’m glad I’m in the finals,” Wika ni Fernandez.



Una rito, nasilat din ni Fernandez ang ilan pang higanteng players sa women’s tennis bago umabot ng semis.

Sinasabing pinakapaborito ng mga fans si Fernandez (73rd ranked) dahil sa impresibo nitong mga panalo laban kina 2016 winner Kerber, kontra sa fifth-seeded Elina Svitolina at maging sa defending champion na si Naomi Osaka ng Japan.



Ngayon Sabado nakatakda na ang pinakakaabangang finals ni Fernandez.

Hindi naman halos makapaniwala si Fernandez sa kanyang narating na naging emosyunal sa panalo nitong Biyernes.



Labis siyang kinagigiliwan ngayon ng mga fans bunsod nang pagiging masayahin, puno ng enerhiya, at exciting panoorin sa tennis court.

“It is thanks to the New York crowd they have helped me and cheered for me and never gave up for me, they fought for me,” ani Fernandez sa on-court interview. “Thank you New York! That is years of hard work and tears and blood on court and sacrifices I really wanted it, I fought for every point. Aryna fought for the same thing and I don’t know how I got the last point in but I am glad I’m in the final.”

Aminado naman si Sabalenka na ibang klase ang inilalaro ng mas batang karibal.

“She’s got nothing to lose. She’s a great player, fighting for every point. The crowd is supporting her really loud,” wika pa ng 23-anyos na si Sabalenka.

Si Leyla na bago lamang nag-19-anyos nitong nakalipas na Lunes ay ipinanganak sa Montreal, Canada.