Advertisers

Advertisers

Z hindi S!

0 493

Advertisers

SI Zorro ay Z ang simulang letra. Superman naman ay titik S ang umpisa.

Zero as in Zero-Sugar o Zero Calorie o ang nauso dati na Zero-backlog ng PLDT ay Z din.

Ang Sine S sa Dart, Paco dati ay S naman. May ibang oldtimer na nagsasabi ang S ay Surot ang kahulugan.



Si Yoyong Martirez ng San Miguel/Royal Tru Orange ay Z naman sa dulo. Pero si Ombudsman Samuel Martires ay S naman.

May mga nalilito kasi. Tandaan na ang mabilis sa bola ay Z as in Zany habang ang sa bolahan na mabilis ay S naman as in Zoo.



Hayan malinaw na po. Kahiya naman sa dating konsehal at bise-alkalde ng Pasig na ngayo’y komedyante sa showbiz.

***



Ire naman na Tsino na si Michael Yang ay hindi kamag-anak ng mga Fil-Briton na sina Phil at James Younghusband ng football.

Ang sabit sa Pharmally na kontrobersya at walang kinalalaman sa dating syota ni Angel Locsin at kanyang kapatid.

Kilalang malapit si Yang sa Malacanang samantalang ang mag-utol ay hindi interesado sa face shield na sa Pinas lang mandatory ang pagsuot.

***

Sa Lunes sa OKS ay espesyal na bisita natin ang chess wizard na si Catherine Perena – Secopito. Ang IM ay solong panauhin natin sa ating program na nagdiriwang ng ikawalong taon sa ere. Inaasahan na ibabahagi ni Cath ang kanyang istorya sa palatuntunan na matutunghayan sa DWBL 1242 khz sa AM, YouTube at Facebook Live. Tune in na mula ika-4 hanggang ika-5ng hapon sa makalawa.

***

Excited na sina Tata Selo sa pagbubukas ng bagong season na NBA. Ibig daw nilang maaliw ngayong pandemya.

Eka nga ni Tatang ay good for mental health. Hindi na nga naman makalabas ay wala pang mapanood na real action sa telebisyon.

Nais nila kasi masaksihan ang unang game ng LA Lakers sa ika-19 ng Oktubre kontra sa GS Warriors.

Home match ito nina LeBron at tiyak aabangan ng milyones nilang fans at critics yan. Lumakas o humina ba sila sa “ageing” line-up?