Advertisers

Advertisers

Lani Misalucha, mapapanood nang muli sa The Clash Season 4

0 382

Advertisers

Ni BKC

MAGBABALIK bilang judge sa papalapit na fourth season ng original musical competition ng GMA Network na ‘The Clash’ si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Masayang ibinahagi ni Lani sa Unang Hirit barkada na muli siyang babalik bilang judge sa well-loved singing competition, “Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. Okay naman kami pero, siyempre, tulad nung kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage ‘yung bagyo. Parang ganon ang nangyari sa amin.”



Matatandaan na kinailangang huminto ni Lani bilang judge last season. Ayon kay Lani, nagkaroon siya ng bacterial meningitis kaya ilang araw din siyang na-confine sa ICU ng isang ospital.

Kasunod ng kumpirmasyon ng pagbabalik ni Lani sa The Clash Season 4, ibinahagi rin niya ang ilang expectations sa bagong Clashers.

Aniya, “Ganon pa rin naman ang gusto ko, mayroong unique na boses, ‘yung nandoon ‘yung maganda ang pag-deliver ng kanyang pagkanta na parang lahat ng emotions nandoon. Kung ano ‘yung nararapat na emotions sa kanta, nandoon ‘yung maibibigay niya. Ganon pa rin ang hanap ko, uniqueness sa voice and sa performance.”

Kabilang din sa The Clash panel of judges sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Aiai delas Alas. Abangan ang nalalapit na pagbabalik ng The Clash Season 4 sa GMA-7.

***



#24OrasChallenge, patok sa netizens!

Benta ngayon sa netizens ang #24OrasChallenge sa TikTok!

Sa challenge, may chance na ang mga aspiring TV reporter o anchor na matupad ang kanilang pangarap kasama pa ang kanilang favorite Kapuso anchors ng 24 Oras. Ang gagawin lang ay babasahin nila ang balita sa teleprompter. O, di ba, bongga!

Ilan na nga sa mga nagbahagi ng kanilang spiels sa TikTok account ng Kapuso newscast ay sina 24 Oras anchor Vicky Morales at Chika Minute segment host Iya Villania. Join din sa fun sina Atom Araullo at Mav Gonzales.

Kabilang sa mga topic na pwedeng gawan ng report sa challenge ay ang COVID-19 situation sa bansa, mga latest sa entertainment, at viral news sa social media.

Kakasa ka ba sa #24OrasChallenge? Punta lang sa “24 Oras” TikTok account, click ang napiling video ng featured Kapuso anchors, hit the ‘share’ button sa side at i-click ang ‘duet’.

Huwag kalimutan gamitin ang official hashtag #24OrasChallenge sa pag-share!

***

“Limitless, A Musical Trilogy” trending na agad sa Twitter!

Excited na talaga ang fans ni Julie Anne San Jose para sa first part ng kanyang “Limitless, A Musical Trilogy” na mapapanood online ngayong Friday, September 17.

Gumawa pa nga ng countdown ang fans gamit ang hashtags na #LimitlessJAPSInSixDays and LimitlessJAPSInFiveDays para sa papalapit na online show. Dalawang araw nang trending ang Limitless sa Twitter Philippines, ha!

Kahit si Julie ay hindi na ma-contain ang kanyang excitement. Pati ang Asia’s Limitless Star, join din sa countdown via her social media accounts. Sa Instagram, may caption na “anim na tulog na lang, #LimitlessMusicalTrilogy na” at “5 days… #LimitlessMusicalTrilogy” ang kanyang mga post.

Ngayong Biyernes na (Sept. 17) ang first leg ng “Limitless, A Musical Trilogy” na may temang “Breathe” kaya naman go na sa  www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng ticket! Kitakits!