Advertisers

Advertisers

Beauty tinuturing na pagsasayaw ang love scene kay Kelvin

0 135

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGING maganda ang pagtanggap ng televiewers sa “Loving Miss Bridgette,” ang launching episode ng bagong  afternoon drama anthology ng GMA7 na “Stories from the Heart.” Nag-trending agad ito at mataas ang naging rating ng naturang serye, na nagpapatunay lamang na tanggap ng masa ang tambalan nina Beauty Gonzales at Kelvin Miranda sa kabila ng kanilang 8 years gap sa edad.

Aminado si Beauty na hindi ganun kadali para sa kanya na tanggapin na ang kanyang leading man ay isang bagets kumpara sa kanyang edad.  First time ito para kay Beauty ang lumabas sa ganitong klaseng role na May-December love affair ang tema.

“I was nervous because it’s a new thing for me, different from the past characters I have played. When I met him my heart melted. He’s handsome and cute. Baby boy na leading man. And like most young artists, he’s really energetic; his energy was infectious during the taping,” pahayag ni Beauty.

Aminado rin si Beauty na bilib siya sa acting talent ni Kelvin, na kahit isa itong baby boy para sa kanya ay may mga bagay din siyang natutunan mula kay Kelvin.

“I admire him because he was eager to work every day. I see my former self in him and that keeps me grounded somehow. It made me realize that I still have so much to learn; that you can learn from your screen partner, whether he’s older or younger,” sey pa ni Beauty.

Paano naman kaya nila hinandle ang kissing scene?

“We really talked about it, as in every love scene I have done before. It’s a dance; there’s choreography. It’s not something you rush. You have to focus on every touch, kiss, look and nuance,” dagdag na say pa ni Beauty.

***

DAHIL kumita nang malaki sa streaming online ang ‘Kaka’ ni Sunshine Guimary, muli na naman siyang binigyan ng project ng Viva Films and by this time ay si Andrew E naman ang kanyang leading man, sa ‘Shoot! Shoot!’

Ang pamagat ng movie ay halaw sa isang kantang hindi natapos gawin ni Andrew E noong kainitan pa ng kanyang showbiz career bilang isang rapper and comedy aktor.

Hindi naman kaya nailang si Sunshine sa kanyang aktingan, isang sexy comedy ang movie na ginawa nila ni Andrew, na ang kanyang leading man ay idolo niya at higit na malaki ang pagitan ng kanilang agwat?

“Noong una, di ako sure how it would go kasi veteran na siya sa industry. Napanood ko movies niya noon and he’s really funny. But sa ‘Shoot’, magaan siyang kasama. Ang number one na gusto ko sa kanya is his sense of humor kasi lagi siyang nagpapatawa. Napakabait niyang katrabaho kaya naging comfortable ako working with him,” say ni Sunshine.

Inamin din ni niya na may mga sexy scenes sila ni Andrew.

“Siempre, hindi mawawala yun kasi sex-comedy naman ito. Very naughty ang humor gaya ng iba pang ginawa ni Andrew before,” say pa rin ng baguhang sexy star.

Samantala, laking pasasalamat naman ni Andrew E na pinagkatiwalaan ulit siya ng Viva Films na maging bida sa pelikula. Matagal-tagal na rin kasing hindi nakagawa ng pelikula si Andrew E. At sa muling pagharap niya sa pelikula ay may big bonus pa si Andrew, sexy scenes sa isang bata at sariwang si Sunshine Guimary.

“Yes, it’s unbelievable na may chance pa pala ako to kiss young girls sa pelikula. I want to thank Boss Vic that he still finds me as a performer who can still deliver and create an underdog character na kagigiliwan ng tao and end up in the arms of these young ladies. I really want to thank Viva for giving me the chance to work with them,” say ni Andrew.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More