Advertisers

Advertisers

LJ, kinabog si Yen

0 384

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Marami ang naloka at naaliw sa naging pahayag ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account.

Ito ay may kaugnayan ng kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang alagang si Paolo Contis, estranged partner LJ Reyes at napagbibintangang third party na si Yen Santos.

Aniya, mula raw nang pumutok ang balita tungkol kina Paolo at Yen, hindi na raw tinantanan ng netizens ang dalawa.

Maging ang mga paparazzi daw ay tila nag-iispiya rin sa mga susunod na galaw ng dalawa lalo pa’t nakunan sila ng kanilang candid moments sa isang video na kumalat online.

Hirit pa niya, naging palasak daw tuloy ang katagang “as a friend” at maging ang Baguio ay biglang sikat muli na paboritong tagpuan ngayong ng mga gustong mag-unwind at mag-usap tungkol sa  kanilang love problems.

May pasakalye pa siyang para raw isang never ending teleserye ang nangyayari sa tatlo.

Dugtong pa niya, tila mas masuwerte pa nga raw si LJ dahil pagkatapos ng kontrobersya ay mega rampa naman ito sa fashion week sa LA.

Na kabaligtaran naman kay Yen na tila pang-Baguio lang ang beauty dahil never pang nagsasalita mula nang sumambulat ang balita sa kanila ng Kapuso actor.

Ito ang teksto ng kanyang hanash sa kanyang Instagram account.

“Dahil kay Paolo Contis Salve naging Friendship Capital of the Philippines ang Baguio City. Dapat siguro kunin ni DOT Sec. Berna Romulo Puyat si Paolo Contis para endorser sa mga mag friends na gusto mag usap lang na pumunta sa Baguio, as ‘friends’ kahit pa nga babae at lalaki na magkasama aakyat sa malamig na city. Lahat tuloy ngayon may tagline na, ‘ samahan mo naman ako kasi sad ako, usap tayo sa Baguio, friends naman tayo ‘. Kaloka di ba ? Kasi nga hindi naman usual o common na isang lalaki tatawagan ang isang babae para samahan siya dahil may problema siya. At hindi rin common na ang isang Paolo Contis na heto alam mo na ang history sa lovelife sasamahan mo kung isa kang single at available na babae at kayong dalawa lang ang mag uusap as ‘friends’. Kaloka talaga. Ewan ko kung gusto din ni Yen Santos ng ganitong kaguluhan sa buhay niya kaya kahit pa nga alam na niya ang kalagayan ni Paolo eh Ok lang sa kanya na magamit as ‘friend’. Hay naku, never ending serye talaga ang istoryang ito, at least rumarampa na sa New York si LJReyes. At suwerte siya, New York ang eksena niya, pang Baguio lang si Yen Santos. Habang naka lock in naman si Paolo Contis. Tatlong lugar sila ha, iba ibang eksena, magastos sa production. Saan mo gusto ma assign Salve, ikaw Gorgy. Naku ako dito lang sa QC, Protektodo pa ako, hah hah hah. #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako”

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More