Advertisers

Advertisers

Never again!

0 486

Advertisers

NGAYON ang ika-49 na anibersaryo ng Martial Law ni Macoy. Pinirmahan ang proklamasyon ng ika-21 ng Setyembre nguni’t inihayag lamang ito noong ika-23 ng buwan. Mahilig kasi si FM sa numero 7 o sa mga divisible ng 7 gaya ng 21.

Daming pinatay at sangkatutak ang ninakaw noon. Kaya nagkahirap-hirap ang Pilipinas ay dahil pinagsamantalahan tayo ng diktador at kanyang pamilya pati mga kamag-anak at mga kaibigan.

Tapos gusto bumalik ng Malacanang ni Dayunyor. Aros Dios ko!



Kung baga sa paborito nating laro ay pinatalsik na ng liga ay nag-aaply pang muli. Aba’y sinuka na kayo ng taong-bayan.

Si BBM nga tinalo ni VP Leni noong 2016. Nagprotesta at dinaya raw siya. Susmaryosep eh lumaki pa ang lamang ng biyuda.



Sa best of 3 series sa finals ay dalawang sunod na talo kaya out na. Hahaha.
*
Sa panayam natin kay Catherine Perena-Secopito ay sinabi niyang ang ama ang nag-introduce at naghasa sa kanya para maging magaling na chess player. Inspirasyon din niya ang kanyang tatay.

Ngayon naman may dalawang anak na siya ay tinuturuan na raw niya ang panganay na si Carissa. Mahilig din daw.



Binanggit din niya na dapat mahusay kang bumasa ng kalaban para magtagumpay.

“One or two steps ahead sa katunggali,” wika ni Catherine.

Heto naman payo niya sa mga kabataan.

“Never cease to dream.”

***

Kahapon tinanong tayo ng isang sportscaster kung tatakbo ba si Leni Robredo sa pagkapangulo sa 2022. Gaya nang sagot natin sa ibang tao ay heto po ang tinuran natin sa beterano ng PBA coverages.

Opo sa ating opinyon ay papalaot siya sa race para sa Malacanang sa susunod na halalan.

Una, ang mga pahayag niya sa mga nagdaang araw. Laban daw kung one-on-one sila ni dayunror. Kung siya ang mapili na nagkakaisang anti-admin bets ay papayag siya. Hanggang ngayon wala siyang sinasabi na hindi o ayaw niya. Mataas kasi kanyang sense of duty.

Pangalawa, pinag-aralan natin ang kasaysayan. Sa 2 beses na sumali siya sa eleksyon ay last minute ang naging desisyon dahil sa daming sinaalang-alang. Ika-5 ng Oktubre 2012 nang maghain ng COC bilang kinatawan ng 3D Cam Sur. Parehong petsa taon 2015 nang pormal na tinanggap ang alok ng kanyang partido bilang VP bet nila.

Pangatlo, ang pagsulputan ng mga grupo na pro-Leni gaya ng TLR at marami pa na hindi inipigilan, ang pagendorso ng mga prominenteng tao sa showbiz, media, negosyo at pati sa sports na wala naman hinhangad na kapalit.