Advertisers

Advertisers

Carlo Biado sasabak sa 5 major events sa 2022

0 441

Advertisers

MATAPOS masungkit ni Carlos Biado ang titulo sa US Open Pool Championship sa Atlantic City, ay may limang major events na nakalinya sa 2022.

Si Biado ay nakatakdang sumabak sa World 10-Ball Championship at ang UK Open habang naka nakatakda rin na katawanin ang Pilipinas sa Asian Indoor and Martial Arts, Southeast Asia Games at World Games.

Ang 37-year-old ay naka iskedyul na bumalik sa Pilipinas ngayon buwan upang magpahinga at mag relaxed bago bumalik sa United States para sumabak sa local tournaments bilang bahagi ng kanyang buildup sa nasabing kumpitesyon.



Ang emotional Biado ay pinagharian ang US Open sa come-from-behind 13-8 win laban sa Singaporean Aloysius Yapp para ibulsa ang premyong $50,000 (2.5million) na pinakamalaking reward para sa veteran cue artist na umalis sa bansa noong Mayo upang paghandaan ang isa sa pinakamalaking pool events.

“Nung nasa Pilipinas ako, wala talagang nasa bahay ka dahil nga nakakatakot dahil sa COVID-19 na yan,” Wika ni Biado sa online session nang Philippine Sportswriters Association Forum.



“Pero hindi ako nagpa-apekto kasi hindi naman pwedeng habang buhay na nasa loob tayo ng bahay. Kaya nag-decide akong umalis, magpunta dito sa Amerika para makapag-practice at makapag-training dahil nga alam kong may darating kaming mga events tulad ng SEA Games at yung AIMAG so hindi ako puwedeng tumigil sa paglalaro.”

Namayagpag si Biado sa SEA Games na nagwagi ng ginto sa men’s 9-ball doubles sa 2015 Singapore Games at sa men’s 9-ball singles sa 2017 Kuala Lumpur edition,habang natumbok ang men’s 9-ball event sa 2017 World Games sa Wroclaw,Poland.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">