Advertisers

Advertisers

Sagabal sa pagtatrabaho… BONG GO: FACE SHIELDS ILIMITA NA

0 290

Advertisers

SUPORTADO ni Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang panukala na limitahan na ang paggamit ng face shields sa pagsasabing dapat ay balansehin ang kaligtasan ng bawat Filipino at ng ekonomiya sa pagpapatupad ng polisiya sa pagharap sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Go, kinakailangang pag-aralan kung maaaring gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na mababa naman ang risk of infection.

Aniya, baka maaaring hindi na gawing mandatory ang face shiled sa mga lugar na hindi naman sarado o crowded at walang close contact ang mga tao sa isa’t isa.



“Dalawang taon na itong pandemya. Baka napapanahon na gawin natin ito para makahinga nang konti ang mga Pilipino at mapagaan ang hirap na kanilang dinadala. Ang importante naman ay protektado pa rin dahil, una sa lahat, ay buhay ng mga Pilipino ang ating prayoridad,” paliwanag ng senador.

Iginiit ni Senator Go na habang binibilisan ng pamahalan ang vaccine rollout, ang pagsusuot ng face shields ay maaari nang ikonsidera na non-mandatory, partikular sa mga indibidwal na “fully vaccinated”.



“Ang pangunahing proteksyon naman natin ay ang mask at ang bakuna. Dagdag proteksyon ang face shield pero pwede nang hindi gawing mandatory ‘yan kung mababa naman ang risk ayon sa mga eksperto,” ani Go.

Sinabi pa ni Go na habang dahan-dahan na ring binubuksan ang ekonomiya, ang pagsusuot aniya ng face shields ay hindi na sana makaabala sa performance ng mga manggagawa sa kani-kanilang pinagtatrabahuhan.



“Paminsan kasi nakakadagdag lang sa pasakit ng ordinaryong manggagawa ang pagsuot ng face shield. Nakakaapekto rin sa trabaho.”

“Kaya uulitin ko, kung hindi naman crowded, hindi naman closed space, at wala namang close contact, payagan na nating hindi sila mag-face shield kung ligtas naman,” ayon sa mambabatas.

Ngunit nakiusap ang senador sa publiko na kahit luwagan ang face-shield wearing policy ay huwag pa rin maging kampante dahil delikado pa ang panahon.

Dagdag na proteksyon din aniya ang face shield kaya kung maaari ay konting tiis lang at magsuot pa rin kung hindi naman ito sagabal sa pagtatrabaho.

Noong June 2021, idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing polisiya sa pagsasabing “(W)ith the kind of aggressive infection that poses a very grave danger to…it’s a small inconvenience, actually. I know that it is inconvenient really to be wearing the mask (and face shield), adjusting it from time to time. But that is only a very small price to pay than rather gamble with doing away with it and courting disaster.”

Ipinaliwanag din kasi ni Dr. Anna Ong-Lim ng University of the Philippines College of Medicine na ang “triple layer of protection”, kabilang ang face shields, masks at physical distancing ay malaking tulong para mabawasan nang panganib na mahawahan ng COVID-19 virus.

Samantala, umapela rin si Go sa mga kinauukulan at mga eksperto na pag-aralan ang posibilidad ng pagbabakuna sa mga menor-de-edad lalo’t naaprubahan na ang pilot face to face classes sa mga low risk areas.

“Bilisan na ang pag-aaral natin. Tutal, tuluy-tuloy naman ang pagdating ng mga bakuna at meron na ring mga bansa ang dahan-dahang nagbabakuna ng kanilang mga kabataan,” sabi ni Go.

“Dahan dahan nating binubuksan ang ating paaralan para sa face-to-face classes sa mga piling lugar. Pero siguraduhin nating hindi napapasa ang burden sa mga kabataan at dapat siguraduhing nabibigyan din sila ng kaukulang proteksyon,” anang senador.