Advertisers
Tinatayang nasa P3.4 milyon halaga ng nakumpiskang shabu na may timbang na 500 gramo mula sa naarestong isang lalaki sa Maynila.
Ayon sa ulat, ikinasa ng PDEA Regional Office IV-A special enforcement team ang buy bust operation laban kay Musa Nasrudin Baguilan, 33, residente ng Port Area at kilalang isang tulak ng ilegal na droga sa Maynila at karating lugar.
Ikinasa ng PDEA ang operasyon sa harap ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila nitong Linggo kung saan nakipagkita ang suspek sa nagpanggap na buyer.
Inaalam na ng mga operatiba kung sino ang supplier ng shabu ni Baguilan na ibinabagsak sa Maynila.
Sasampahan ng kaso si Baguilan na may kinalaman sa droga na walang piyansa. (Jocelyn Domenden)