Advertisers

Advertisers

Sen. Go umayuda sa mga nasunugan sa Cebu

0 241

Advertisers

BILANG commitment para tulungan ang komunidad para makarekober sa krisis, umayuda ang grupo ni Senator Christopher “Bong” Go ng relief effort nitong nakalipas na Huwebes September 23, sa mga pamilya na naapektuhan ng sunog sa Brgy. Sta Cruz, Cebu City.

“Mga kababayan ko, magtulungan lang ho tayo, magmalasakit ho tayo, at magbayanihan po tayo. Ang gamit po’y nabibili natin, subalit ang pera pong kikitain ay hindi nabibili ang buhay,” ayon kay Go sa video message.

Ang outreach team ni Go’s ay nagsagawa ng pamamahagi ng aktibidad sa Velez Gymnasium sa Brgy. Sta Cruz kung saan 82 pamilya na binubuo ng 271 individuals ,ang nasunugan at tumanggap ng financial assistance, grocery packs, meals, masks, face shields, at vitamins. Habang ipinapatupad ng staff ni Go’s ang safety and health protocols na inirekomenda ng gobyerno para sa safeguard ng mga biktima ng sunog.



Upang matulungan ang mga pamilya na makarekober sa naturang trahedya ang representatives mula sa National Housing Authority ay nagbigay ng housing assistance, habang ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob ng financial assistance sa bawat naapektuhang pamilya.

Kaugnay nito ang DEpartment of Trade and Industry and Technical Education and Skills Development Authority ay nagsagawa ng assessments para sa kanilang livelihood at scholarship programs.



Bilang personalidad na may disability at ang kanyang asawa ay nawalan ng pinagkakakitaan matapos magsimula ang pandemya si Juliet Pangilinan, 40 taong gulang, ibinahagi na ang hirap ng buhay na kinakaharap ng kanilang pamilya mula sa trahedya ng sunog. Subalit sa kabila nito nagpapasalamat pa rin si Pangilinan kay Senator Go dahil sa suporta upang makapagsimula silang muli.

“Sa hirap ng buhay ngayon, nagpapasalamat pa rin kami kasi buhay kami ng pamilya ko. Ngayon na may dumating na tulong galing sa ating Presidente at kay Senator Bong Go, malaking tulong na po ito sa amin para makagawa kami ng bahay paunti-unti,” ayon kay Pangilinan.



Matapos lagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11589 na mas kilala sa Bureau of Fire Protection Modernization Act, si Senator Go ay nagpahayag ng pag-asa na ang Bureau ay magiging mahusay sa pagtugon sa mga katulad na insidente ng sunog upang mapabuti ang mandato ng BFP sa ten-year modernization program.

Ang modernization program ay kabilang ang recruitment ng mas marami pang bumbero, provision of specialized trainings, upgrading and acquisition of new fire equipment, among others.

Bilang Senators prioridad nito ang kalusugan ng bawat Filipinos nanawagan ito sa bawat benepisaryo na magpabakuna agad upang makamit ng pamahalaan ang target na populasyon para sa proteksyon at mabakunahan ang mas maraming Filipino.

“Ayaw ninyo sayanga ang oportunidad. Kung unsang bakuna ang naa sa atbang ninyo, magpabakuna namo kay libre lang kining bakuna na gikan sa gobyerno. Naglisod ang gobyerno para makakuha aning mga bakuna,” ayon pa kay Go.

“Huwag n’yo pong sayangin ang oportunidad. Kung ano po ‘yung bakuna na nasa harapan ninyo, magpabakuna na po kayo. Libre naman po itong bakuna mula sa gobyerno. Pinaghirapan po ng gobyernong kunin itong mga bakuna.”

“Please lang po, magtiwala kayo sa bakuna, huwag ho kayong matakot sa bakuna. Ang bakuna po ang susi at solusyon para makamtan po natin ang herd immunity at makabalik tayo sa ating normal na pamumuhay,” dagdag pa ng Senator.(Boy Celario)