Advertisers

Advertisers

Pumatay sa kadete kinasuhan na sa paglabag sa Anti-Hazing Law

0 596

Advertisers

Kinasuhan na sa Cavite Prosecutor’s Office ang PNPA cadet na itinuturong salarin sa pagkamatay ng kaniyang underclassman sa Academy.

Kasong paglabag sa RA 11053 o ang Anti-Hazing Law Resulting to Homicide ang inihain laban kay Cdt 2C Steven Maingat.

Ayon kay PNPA spokesperson Lt. Col Audie Gonzaga, sa pamamagitan ng e-inquest proceedings isinagawa ang paghain ng kaso dahil sa umiiral na protocol sa Covid-19.



Ayon kay Gonzaga, kaharap ang ina ng namatay na si Cadet 3rd Class Carl Magsayo na si Mrs. Caroline Magsayo at kanilang abogado na si Atty. Leo Angelo Sagario.

Samantalang si Cadet Maingat kasama ng kaniyang abogado na si Atty. JG Udarbe.



Lumabas sa imbestigasyon na ang ikinamatay ni Cadet Magsayo ang cardio-respiratory arrest.

Maliban sa kasong kriminal, tiyak na ang dismissal sa PNPA kay cadet Maingat batay sa kaso nitong administratibo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">