Advertisers

Advertisers

Dapitan city inilunsad kauna-unahang ‘Pet Expo’

0 6

Advertisers

Inilunsad ng Lungsod ng Dapitan ang Kinabayo Pet Expo 2026 noong ika-18 hanggang ika-19 ng Hulyo sa Dapitan City Mini Eco-Park bilang promosyon ng tamang pangangalaga sa mga alagang hayop.

Opisyal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ni Dapitan City Veterinarian Dr. Roy Pagador kasama sina Provincial Veterinarian Dr. Sunday Dawn R. Bagatua, Dipolog City Veterinarian Dr. Imelda R. Villacrucis, at Dr. Gabrielle Lyko R. Sarande ng Dipolog City Veterinary Office.



Inorganisa ang Pet Expo ng Dapitan City Veterinary Office na siyang nag-alok ng iba’t-ibang serbisyo sa pamamagitan ng mga interactive booth ukol sa kalusugan, nutrisyon, medikal, at edukasyon para sa mga alagang hayop.

Kabilang rin sa mga pangunahing atraksyon ng programa ang mga kompetisyon na nag-highlight sa iba’t-ibang mga katangian ng mga alaga kasama ang kanilang mga may-ari na may kaniya-kaniya rin mga papremyo.



At sa kabuuan ng selebrasyon, malayang makipagsalamuha sa isa’t-isa ang mga may-ari at ang kanilang mga alaga, kabilang na ang iba’t-ibang mga uri ng aso, pusa, hamster, at mga ibon tulad ng kalapati, parakeet, at manok.(Lorenz Gabrielle Duenas-OJT)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">