Advertisers

Advertisers

House-to-house, street-by-street sa pagbabakuna sa mga senior citizen, ipinapanawagan ng isang kongresista

0 218

Advertisers

MULING umapela si Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ordanes sa pamahalaan na ikonsidera na mailapit nang husto sa senior citizens ang vaccination program ng pamahalaan.

Aminado ang kongresista na dahil sa limitadong suplay ng bakuna ay tanging mga matatanda kasama ang companion o caregiver nito ang nababakunahan sa mga vaccination center.

Hiniling ni Ordanes na ikonsidera ng gobyerno ang house-to-house, street-by-street o kaya ay mobile vaccination vehicles upang mailapit ang bakunahan sa mga lolo at lola at hindi na kakailanganin pang lumabas ng bahay.



Inihirit ng kinatawan ng senior citizens na gawin agad ito sa oras na tumaas ang suplay ng COVID-19 vaccines ngayong Oktubre.

Pinata-target naman ni Ordanes sa pamahalaan ang mga lugar na itinuturing na “hotspots” o may mataas na kaso ng COVID-19.



Dahil kapos pa rin ang suplay ng bakuna, iminungkahi ni Ordanes na ilaan ang AstraZeneca, Sputnik o Janssen (J&J) para sa seniors habang ang Pfizer o Moderna naman ang para sa lumalabas na nagtatrabahong miyembro ng pamilya at Sinovac o Sinopharm naman sa iba pang kapamilya na may edad 18 pataas pero ito’y depende pa rin sa medical screening at risk assessment ng mga doktor.

Subaybayan!



***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com at ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!