Advertisers
Tila hindi katanggap tanggap ang naging desisyon nitong Ama ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na italaga nito sa isang sensitibong puwesto ang hindi man lang nakahawak o naranasang magpatakbo bilang Section Chief na siyang tuntungan para sa pagiging Assistant District Engineer (ADE)
Marami ang humanga mga Ka Usapang Hauz ng italaga ng Pangulong BBM itong si Sec. Dizon kapalit ng kontrobersiyal na DPWH Secretary Manuel Bonoan dahil sa usaping Ghost Flood Control Projects at naging maayos ang pamamalakad ng departamento.
Marami ang nabahag ang buntot sa mga binitawang babala ng kalihim na mayroong kalalagyan ang sinumang susuway sa mga alituntunin ng departamento at siguradong pupulutin sa kangkungan may kasama pang kaso, kaya mga Ka Usapang Hauz naging transparent ang DPWH sa anumang klase ng transaksiyon. ” Very good Sec. Dizon.
Timbukin na natin mga Ka Usapang Hauz kung bakit humihingi ng kahit konting konsiderasyon ang may akda kay Sec. Dizon para sa mga section chief na nakatakda ng magretiro subalit pinagkaitan ang kanilang mga pangarap na tumaas ang posisyon bago nila lisanin ang halos buong buhay na paglilingod sa DPWH.
Secretary Dizon Sir, nais lang ipabatid ng Usapang HAUZ na tila nagkamali ka sa pagtatalaga ng bagong Assistant District Engineer o (ADE) sa DPWH Rizal Provincial 2nd District Engineer Office sa katauhan ni Engr. Paul Justine Cunanan na nagmula sa Central Office, DPWH Unified Project Management Office (UPMO).
Nais ipabatid ng mga Ka Usapang HAUZ kay Sec. Dizon sa qualification para sa pagiging ADE ni Engr. Cunanan ay tila may kakulangan tulad ng ADE at DE examination (wala pa siya nito Sec. Dizon Sir) pagpalagay na naabot na nito ang Engineer-3 na bagay para sa Section Chief at puwede na rin para sa posisyong ADE subalit sa edad na 33 ay parang kabastusan na sa mga 30 hanggang 40 taon sa serbisyo na mas kuwalipikado kesa sa inilagay mo?
Hindi naman sa nanghihimasok ang mga Ka Usapang HAUZ sa desisyon mo Sec. Dizon o baka naman hindi mo alam ang pagtatalaga sa batang batang ADE na si Engr. Cunanan, sakaling may pumalit sa binakanteng puwesto ni Usec. Bernardo na dating taga talaga ng juicy posistion sa hindi malamang halaga este dahilan ay ipakita mo ang iyong tapang para imbistigahan.
Bigyan pa natin mga Ka Usapang HAUZ ng additional information ang magiting na Secretary Dizon hinggil sa sentimyento ng mga malapit ng magretirong Section Chief mula sa Region 4-A, matapos bakantehin ni dating Rizal 2nd DEO ADE Engr. Lito Favian ang puwesto dahil sa pagreretiro ay umapaw na ang application sa DPWH Region 4-A office para sa posisyong ADE.
Sec. Dizon Sir hindi na kailangan pa sigurong isa-isahin ng mga Ka Usapang HAUZ ang mga pangalan ng aplikante sa posisyong ADE na halos mga pa retirado na yung isa ay halos mahigit sa 1 taon na lang ang iba ay 3 years at meron ding higit sa 50 years old na pawang kumpleto s requirements sa pagiging ADE.
Sa pagtatalaga mo Sec. Dizon sa bagong DE ng Rizal 2nd DEO sa katauhan ni Engr. Juan “Johnny” Panganiban ay marami ang sumaludo sayo dahil halos tatlong taon na lang sa serbisyo si DE Panganiban, ang mga Ka Usapang HAUZ na lang ang may kakaibang napansin dito kay DE na tila iwas sa Media, yan ang dapat nating itanong?
Umaasa ang mga Ka Usapang HAUZ sa dagliang aksiyon at paliwanag ni Sec. Dizon kung bakit at paano nabigyan kaagad ng sensitibong posisyon si ADE Cunanan samantalang marami ang magreretirong mga Section Chief na pawang kumpleto sa requirements sa pagiging Assistant District Engineer.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036