Advertisers

Advertisers

Misis kinatay, mister nagsaksak

0 354

Advertisers

Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng 46-anyos na misis nang pagsasaksakin gamit ang itak ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa bulubunduking lugar ng Zone-6, Brgy. Macabugos, Albay, nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Vilma Blanco Regaspi.

Habang kritikal naman sa pagamutan ang mister nito na si Edgar Boto Regaspi, pawang residente ng naturang barangay makaraang magsaksak sa tiyan.



Sa ulat, 3:00 ng hapon sa hindi malamang dahilan nag-away ang mag-asawa sa labas ng kanilang bahay at ilang sandali parehong pumasok ang mga ito na kung saan nagpatuloy ang bangayan na narinig ng mga kapitbahay.

Ayon sa pulisya na sa gitna ng pagtatalo ng dalawa, kumuha ng itak ang mister at pinagsasaksak ang misis hanggang duguang humandusay at agad nasawi.



Nang makitang napatay ang asawa, nagsaksak din ito sa tiyan.

Dahil sa biglang natahimik sa loob ng bahay, pumasok ang kanilang mga kaanak para tingnan ang mag-asawa at nakitang patay na ang babae habang naghihingalo sa lalim ng saksak ang mister.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">