Advertisers
Ayaw nang paawat ang ating mga pulitiko sa mga pagkakataong tulad nito.
Nagstart na ang filing ng candidacy ng mga lalahok sa Mayo 2022 elections kung saan marami- marami- din ang nag-aambisyon ng mahalal kahit from the start at batid nilang wala silang karapatang tumakbo.
Kesehodang walang qualifications,dunong at personalized Basta may pera at makinaryang pagaganahin ay go na ang mga kolokoy na ito.
Kahit pa nga sabit sa droga at iba pang iligal,posible pa ring mahalal at maluklok sa podèr kapag marami- lang salapi na pambili ng boto.
Dahil marami sa mga kababayan natin ang nagugutom at gipit sa buhay dahil sa umiiral na pandemya,ang bilihan ng sagradong boto ay expected na lalahok at titindi.
Marami tayong alam sa mga tatakbong pulitiko natin ang suportado ng malalaking negosyante.
Billions of pesos ang usapan dito.Handang itapon ng mga campaign financiers na ito ang bilyones na halaga manalo lang ang kanilang manok.
Pero ano nga ba ang naghihintay na kapalit ng lahat ng ito?
Kaya sa inyo mga dear readers siguro naman ay natuto na tayo sa mga nagdaang namuno sa atin simula sa lokal na pamanuan hanggang sa national.
Sa mga mamimigay ng pera tanggapin natin, pero sa huli tayo pa rin ang masusunod sa kung sino ang karapat dapat para mag lingkod sa bayan natin.
Wag kayo padala sa mga matatamis na salitang nilulumot na, at mga pangakong kinatandaan na natin sa mga kandidatong politiko.
Pag aralan mabuti at kilalanin ang bawat kandidato, dahil ilang taong sakripisyo na may pagsisisi ang kapalit nito.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com