Advertisers

Advertisers

Bong Go saludo sa mga bumbero

0 383

Advertisers

HINDI na nagpatumpik-tumpik, mabilis na inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga residente ng Barangay Comembo, Makati City na nawalan ng mga tirahan sa nangyaring sunog noong Setyembre 26.

Ang outreach team ng senador ay namahagi ng financial assistance, meals, food packs, vitamins, masks, at face shields sa tinatayang 34 pamilya sa barangay hall. Namahagi rin sila sa mga piling residente ng bisikletar, mga sapatos at computer tablets para sa mga kabataang mag-aaral.

Samantala, ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob din ng hiwalay na financial assistance habang ang Department of Trade and Industry at National Housing Authority ay nagsagawa ng assessment para sa kuwalipikadong mabibigyan ng ayuda sa ilalim ng kanilang mga programa.



Sa kanyang video message, pinasalamatan at pinuri ni Senator Go ang mga bumbero sa kanilang sakripisyo para protektahan ang buhay at ari-arian ng mga Filipino.

Sinabi ni Go na hindi rin tumitigil ang gobyerno na maibigay sa mga bumbero ang kanilang mga pangangailangan patunay ang nakaraang pagpapatibay ng Pangulo sa Republic Act No. 11589 o Bureau of Fire Protection Modernization Act.



Ang nasabing batas na pangunahing iniakda ni Go sa Senado ay magpapalakas sa firefighting at rescue capabilities ng BFP.

Layon din ng batas na bumili ng mga bagong gamit at palawakin ang puwersa ng BFP.



“Ako mismo ay saksi sa hinagpis na nararamdaman ng ating mga kababayan na biktima ng mga sunog. Buwan-buwan, ilang insidente ng sunog ang aking binibisita sa iba’t ibang panig ng bansa upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nabiktima nito.”

“Kaya nag-file ako ng bill sa Senado to enhance our fire protection services and hire more personnel who are willing to dedicate their lives to ensure the safety of our communities. Dapat paghandaan natin ang anumang krisis o sakuna. Bukod sa pagiging laging handa, dapat rin maging informed ang mga Pilipino kung papaano maiiwasan ang mga insidente tulad ng sunog,” ani Go.

“Nung nangyari ‘yung sunog, nandun kami sa hipag ko. Bigla nalang may nagsabi na nasusunog na ang bahay namin. Buti nalang nailigtas ‘yung mga magulang ko. Kahit isang gamit wala silang nakuha. Iyung mga aso namin, hindi na namin nailigtas. Sobrang hirap kasi back to zero na naman kami. Iyung trabaho ko naman hindi araw-araw. Walang trabaho din ‘yung mga magulang at kapatid ko at may baby pa siya,” kuwento ng isa sa nasunugan na si Jaemie Antiporda, 23, isang fish vendor.

“Sa ngayon, nakikitira nalang kami sa maliit na bahay ng hipag ko. Siksikan kami ngayon. Gayunpaman, nagpapasalamat kami kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go sa lahat ng tulong na binigay sa amin. Sa Sangguniang Kabataan, maraming salamat rin sa tulong ninyo para pang-araw-araw namin,” idinagdag niya

Nauna rito, sumugod din ang grupo ni Go sa mga nasunugan sa Brgy. Guadalupe Viejo at tinulungan ang mga residenteng naapektuhan.