Advertisers

Advertisers

Sen. Legarda pinalawig pa ang leave

0 6

Advertisers

MULING pinalawig ni Senador Loren Legarda ang kaniyang medical leave hanggang sa ikalawang linggo ng Oktubre, kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug Jr.

Sinabi ni Bantug, naka-leave si Legarda sa Setyembre 21 hanggang 23, Setyembre 28 hanggang Oktubre 2, at Oktubre 5 hanggang 9.

Mula Agosto 3 pa naka-medical leave si Sen. Legarda at ilang beses nang pinalawig ang kaniyang pagliban sa mga sesyon ng Senado.



Nauna nang sinabi ng Senate leadership na nagpaalam si Legarda dahil sa isang seryosong karamdaman, bagaman hindi isinapubliko ang detalye nito.

Nauna ring kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtungo siya sa France noong Agosto 2.



Kasabay ng kaniyang patuloy na pagliban sa Senado ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng mga reklamong plunder at graft laban sa senador at sa kaniyang anak na si Batangas Representative Leandro Leviste, na may kaugnayan sa solar power projects ng kumpanya nito.

Mariin namang tinanggi ni Legarda ang mga alegasyon at tinawag na “false and baseless.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">