Advertisers

Advertisers

Ombudsman silip ang naglipanang fake ‘free Wi-Fi’

0 7

Advertisers

NAGSASAGAWA ngayon ng isang malawakang imbestigasyon ang Office of the Ombudsman ukol sa umano’y mga pekeng proyektong ‘Free Wi-Fi’ na pinondohan ng bilyun-bilyong piso ng pambansang pamahalaan.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, niloloko lamang ang publiko sa naturang proyekto dahil bagama’t may itinayong mga hardware o kagamitan tulad ng mga router, hindi naman gumagana o walang epektibong serbisyo ng internet ang ipinagkakaloob sa mga mamamayan.

Paliwanag ni Clavano, nakatutok ang kanilang imbestigasyon sa mga software na ginamit sa proyekto.



Lumalabas sa kanilang paunang pag-aaral na hindi maayos at kulang ang mga sistema upang maipalabas lamang na mayroong gumaganang libreng wi-fi sa mga pampublikong lugar.

Tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye ang opisyal hinggil sa mga partikular na probinsya o pasilidad na sangkot habang gumugulong pa ang fact-finding investigation, ngunit pinagtibay nitong sakop ng kanilang pagsusuri ang buong bansa.



Nagmula ang hakbang na ito kasunod ng isiniwalat ng Ombudsman na “ghost internet scheme” sa mga IT systems ng pamahalaan, kung saan gumagamit umano ang ilang kontraktor ng mga lumang software at pekeng sistema habang buo pa ring naniningil para sa mga inilagay na kagamitan.

Sentro ngayon ng imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT), na nagpalabas naman ng pahayag na bukas sila sa imbestigasyon at kailanman ay hindi kinukunsinti ang anumang uri ng korapsyon sa kanilang tanggapan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">