Advertisers

Advertisers

COMELEC, 90% nang handa sa Brgy. at SK elections sa kabila ng panukalang term-fixing

0 5

Advertisers

INANUNSYO ng Commission on Elections (COMELEC) na halos 90 porsyento nang handa ang ahensya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2, 2026.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, itutuloy nila ang preparasyon dahil ito pa rin ang nakatakdang petsa sa ilalim ng kasalukuyang batas.

Posibleng itigil ng COMELEC ang mga hakbang kapag naipasa at naging epektibo na ang panukalang term-fixing.



Kasama rito ang filing ng Certificates of Candidacy mula September 28 hanggang October 5.

Sa nakabiting panukala sa Kongreso, maililipat sa ikalawang linggo ng November 2028 ang susunod na BSKE, at susunod na eleksyon sa 2033.



Mariing iginiit ni Chairman Garcia na ang desisyon kung itutuloy o ire-reset ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay nasa Kongreso, hindi sa COMELEC.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">