Advertisers
Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang matagumpay na vaccine rollout ng pamahalaan, partikular sa National Capital Region na nasa 75% na ng eligible population ang nababakunahan laban sa COVID-19.
“Kinokomendahan ko po ang ating gobyerno sa kanilang pagsisikap na mabakunahan ang mga Pilipino upang makamit na natin ang inaasam nating population protection tungo sa herd immunity. Dahil sa pagsisikap na ito, mahigit 75% na po ng populasyon ng NCR ang fully vaccinated laban sa COVID-19,” ani Go.
“Ang NCR ang sentro ng ating ekonomiya. Dito rin mataas ang kaso ng COVID-19 kung kaya’t napaka-importante na mapabilis ang pagbabakuna dito upang maproteksyunan ang buhay at pati kabuhayan ng mga Pilipino,” idinagdag niya.
Sa huling ulat ng Department of Health, bumaba ang kaso ng COVID-19 sa NCR at inaasahang babagsak pa sa 1,100 ang araw nitong bilang sa kalagitnaan ng mid-November.
Sa katapusan ng Otubre, umaasa ang pamahalaan na ang fully vaccinated ay sasampa sa 85% ng eligible population sa NCR habang patuloy sa paglawak ang rollout sa critical areas sa Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.
“Bukod sa bakuna, sinisikap din nating maibalik ang sigla ng ekonomiya at mabigyan ng sapat na trabaho ang mga nawalan ng kabuhayan habang sinisiguro nating walang magugutom. Higit sa lahat, hindi natin pababayaan ang mga mahihirap. Sila po ang prayoridad natin dito, kapakanan nila ang ipinaglalaban ko rito,” idiniin ni Go.
Sinabi ni Go na inaaasahang tataas pa lalo ang bilang ng mga bakuna sa susunod na mga buwan kaya bubuksan na rin ang vaccination program sa general population ngayong Oktubre upang mapabilis ang rollout at marating ang herd immunity sa lalong madaling panahon.
As of October 11, nakapagturok na ang bansa ng 50,066,590 doses ng COVID-19 vaccines. Umaabot sa 26,706,101 individuals ang fully vaccinated na habang 23,360,489 ang nabigyan ng single dose.
Ang national daily jabs ay nasa 393,099 as of October 11.
Sa buong bansa country, tinatayang 87,690,960 ang nabigyan na ng bakuna as of October 11.
“Kung patuloy na bababa ang bilang ng nagkakasakit at tataas naman ang bilang ng bakunado, mas mabilis po nating maibabangon ang ating ekonomiya at mas makakabalik po tayo sa normal na pamumuhay pagdating ng panahon,” anang senador.
“Tulad ng aking sinasabi noon, bakuna muna bago pulitika! Unahin nating malampasan ang pandemya para mabigyan ng tunay na pag-asa ang ating mga kababayan dahil kung hindi natin malalampasan ang krisis na ito, baka wala na tayong pulitikang pag-uusapan pa,” iginiit ni Go.