Advertisers

Advertisers

Pambabastos ni Lolit Solis kay Alex Gonzaga, pinalagan ng mister na si Mikee Morada; JC Garcia madalas kainggitan

0 532

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

NOON pa ay paborito ng gawing pulutan nina Lolita “Buruka” Solis at Manang Cristy Fermin sa kanilang mga column ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex Gonzaga.

Tapos ang dalawa ring ito ang pasimuno ng isyung nagkaroon ng miscarriage si Alex.



At ang da height at ka-cheapan ng dalawang ito, kaya raw ayaw magpa-interview ni Alex sa naturang isyu ay dahil sa Vlog niya o Vlog ni Toni siya magsasalita kumbaga gagawin dw negosyo ni Alex ang personal niyang issue dahil marami ang manonood sa kanya at kikita siya ng malaki.

Ang kakafal di ba? Instead na makisimpatiya sila sa kapwa nila babae, hayun hinusgahan pa nila ang daughter nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Hindi pinatulan ni Alex ang mga mapanirang nilalang bagkus ang konsehal at negosyanteng mister nito na si Mikee Morada ang nagtanggol sa kanya laban kay Lolit.



Narito ang resbak ni Mikee sa matandang tsismosa at sawsawera. “Mam (Lolit) masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko ang inyong pagrespeto. Huwag po kayong gumagawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat.”

Napakatahimik at pribadong tao ni Mikee kaya para sumagot ito, ibig sabihin napikon siya sa sinulat ni Lolita sa kanyang misis.



Tapos hayun nag-apologized nga ang nasabing kolumnista pero may pagbabanta na hindi na raw niya isusulat kahit kailan ang Gonzaga sisters. Wow ang yabang, bakit nakatulong ka ba sa pagsikat nina Alex at Toni? Oo may naiambag ka puro negang write-ups, kayo ng Bff mong si Manang Cristy.

***

HINDI maintindihan ng international singer and dancer na si JC Garcia kung bakit noon pa man ay kinaiinggitan na siya ng kung sino na umaabot pa sa puntong pati career niya ay may humaharang.

Wala naman daw siyang atraso kahit kanino pero ito ang madalas ma-experience ni JC na may mga tao na backstabber sa kanya na kanya talagang nadidiskubre. Biro namin kay JC, kasi malakas ang dating ng personality niya saka mahusay siyang singer at concert performer tapos dagdag factor pa ‘yung recording artist siya at professional choreographer at dancer tapos Online TV host pa.

Ang nakalolokah, pati raw sa simbahan ay may mga taong ganito. “I have only one wish and prayed to GOD! To use my talent for the church but they’re so many jealous people that is why I step down being a choir in our church.”

“But I don’t know what is God’s plan for me… bahala na po kayo Lord God!”

Pero dahil mabuti siyang tao at may malaking puso kapansin-pansin na hindi tumatanda si JC at sa latest photos niya na naka-post sa kanyang Facebook account ay makikita niyo ito.

***

Claver: Island of Promise, Big Movie Project Ni Direk Reyno Oposa For 2022

Aside sa DisiOtso Series na pagbibidahan ng bagets actor-model na si Alquin Gaddi ay may big movie project na nakatakdang gawin si Direk Reyno Oposa at ang title nito ay “Claver: Island Of Promise.” Makakasama sa movie sina Janice Jurado, Dennis Cruz, Elizabeth Luntayao, Tonz Are, Jek Jumawan, Celia Castillo, at may special participation dito si Aquilino Oposa na bumida sa Takipsilim na dinirek din ni Direk Reyno na naging finalist sa Cinemalaya 2018.

Bakit ito pala ang naisip na project ni Direk Reyno, “Why Claver? This is my hometown & this is the right time to give honor to native land also to promote the eco tourism of my very own birthplace, see you soon Claver,” very proud pang post ni Direk Reyno sa kanyang Facebook Account.

At sa teaser ng Claver na mapapanood na sa official Youtube Channel ni Direk ay mamamangha ka sa ganda ng beach at tanawin sa lugar. Ang nasabing pelikula ay handog ng Ros Film Productions na pag-aari ni Oposa na mula sa panulat at direksyon ng kaibigan naming director.