Advertisers

Advertisers

2 nagluluto ng party drugs timbog sa Quezon City

0 301

Advertisers

AABOT sa 65 milyong piso na halaga ng iba’t ibang iligal na droga ang nasamsam ng National Bureau of Investiogation (NBI) mula sa dalawang naarestong indibidwal kabilang ang isang Amerikano sa Quezon City.

Ayon kay NBI OIC-Director Eric B. Distor, kinilala ang mga nadakip na sina Ramon Loarca, isang American citizen na muling nakakuha ng Filipino citizenship; at Wilson De Lara Apalisoc.

Sinabi ni Distor na base sa natanggap na impormasyon ng NBI, ang isang bahay sa Teachers Village ay ginagamit na kanlungan ng mga gumagamit ng droga ng may-ari nito na isang retire serviceman ng US Air Force.



Matapos ang mahigpit na pagsubaybay, ikinasa ng NBI sa ilalim ng Intelligence Service ng Bureau ang search warrant mula sa Regional Trial Court ng Quezon City na nagresulta ng pagkakadiskubre ng drug den sa nasabing lugar.

Sa operasyon, nasamsam ang ecstasy na may kabuuang 27,334 tablets, shabu, cocaine, kush, marijuana sticks, chemicals, laboratory equipment at drug paraphernalia na may kabuuang milyon-milyong piso ang halaga.

Nakumpiska rin ang isang 9mm Uzi sub-machine gun, Remington shotgun, Glock pistol, .22 Automatic rifle, 800 ng iba’t ibang kalibre ng baril at matataas na pampasabog.

Binigyang-diin ni Distor na ang mga naaresto ay gumagawa ng hindi tiyak na uri ng mga mapanganib na droga sa pulverized ecstasy sa methamphetamine at cocaine upang makagawa ng bagong party drug para sa kanilang kliyente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">