Advertisers

Advertisers

Kotse ng pulis nagliyab sa bangga

0 125

Advertisers

SUNOG ang buong kotse ng isang pulis habang minamaneho nang bumangga ito sa barikada sa national highway sa Lanna, Tumauini, Isabela.

Masuwerteng nakaligtas nang masunog ang sasakyan si Police SSgt. Dave Heinrich Utanis, 33 anyos, nakatalaga sa 1st Isabela Provincial Mobile Force Company.

Ayon kay Fire Inspector Nestor Parallag, acting Municipal Fire Marshall ng Tumauini Fire Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa Tumauini Police Station na may nasusunog na sasakyan at pagdating nila sa lugar, tinutupok na ng apoy ang isang Honda Civic.

Nabatid na patungo sa lungsod ng Ilagan si Utanis mula sa Abulug, Cagayan. Nag-over take umano sa shoulder ng daan ang pulis at nadaanan ang bahaging may tubig. Dahil sa mabilis na pagpapatakbo nawalan ito ng kontrol sa manibela at nagpaikut-ikot bago bumangga sa barikada.

Natanggal ang isang gulong ng sasakyan at nasira ang headlight, dahilan upang magkaroon ng short circuit na pinagmulan ng apoy. (REY VELASCO)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More