Advertisers

Advertisers

F2 Logistics wagi kontra PetroGazz

0 78

Advertisers

PINAMUNUAN ni Kalei Mau ang opensa ng F2 Logistics sa mariin na panalo laban sa PetroGazz,25-16,25-23,25-14, sa Philippine National Federation (PNVF) Champions League sa Aquamarine Sports Complex sa Lipa, City.

Ang PetroGazz ay nalaglag sa 2-1 kapantay ang Chery Tiggo at Tuguegarao. Ang Angels ay sa fourth place sa points system na may five points, nakabuntot sa No.2 Crossovers, na may seven points at third placer Perlas Spikers ( six markers).

Kailangan ng F2 Logistics na ma-sweep ang huling two games kontra Tuguegarao sa Martes at Premier Volleyball League Champion Chery Tiggo sa Huwebes upang pagharian ang maiksing tournament.

Mau tumipa ng 21 points, 18 attacks,two blocks at ace para pamunuan ang Cargo Movers.

F2 setter Iris Tolenada nagpamalas ng 22 excellent sets at four points.

Kianna Dy at Aby Marano nag-ambag ng tig- nine points,Habang si Ara Galang at Majoy Baron nagdagdag ng tig-anim na puntos.

“Hindi namin inexpect (na three sets). Alam naming pagod sila pero hindi namin inexpect na grabe pala yung pagkapagod nila kahapon,” Wika ni F2 Logistics head coach Ramil De Jesus.

“Yung first set, medyo maganda pa ginalaw ng core namin. Later part, medyo napagod na (yung Petro Gazz). Hindi naman inexpect na lalayo ng ganoon at makukuha namin ng straight sets.”

Ria Menesses umiskor ng 11 points para sa Angels, Ces Molina na umiskor ng double figures sa kanilang first two gmes, ay nalimitahan sa eight points, nagtala ng seven spikes sa kanyang 30 attempts.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More