Advertisers

Advertisers

Ex-kagawad, 2 bebot huli sa droga

0 116

Advertisers

TIMBOG ang isang dating barangay kagawad sa isang barangay ng Pateros at dalawang babaeng kasama nito sa drug buy-bust operation sa Pateros.

Kinilala ang mga dibakip na si Imelda Reyes Soriano, 42 anyos; Nenita Banaag Buenaventura, 59; at Renatos Ocol Sanga, 48, dating barangay kagawad, at pawang residente ng nasabing bayan.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600.

Ginawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng P. Rosales St., Barangay Sta. Ana ng nasabing bayan.

Nakakulong na ang mga suspek sa Pateros Philippine National Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More