Advertisers

Advertisers

Babu showbiz na? Bela titira na sa London; Gabbi at Khalil may disadvantages din ang pagsasama sa project kahit magsyota

0 155

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

UMALIS ng bansa ang aktres na si Bela Padilla ilang buwan na rin naman ang nakalilipas.

Sa kanyang pag-alis ay may haka-haka na malamang na mananatili na si Bela sa ibang bansa.

Sa unang linggo ng kanyang pag-alis sa Pinas ay nagkita sila ng  Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay. At nanirahan si Bela sa London.

Makalipas ang ilang buwan ay nagulat na lang ang mga supporters ni Bela nang kanyang ini-anunsiyo sa socmed na officially ay sa London na siya mamamalagi.

Hindi nga lang nasabi ni Bela kung permanente na ba siya doon o dadalaw-dalaw na lang siya sa bansa? Paano na ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas?

“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like Red heart now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it!

“Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” say ni Bela sa kanyang post.

Kung matatandaan bago tumulak ng bansa si Bela ay nakatapos siya ng isang project, ang kauna-unahang directorial job niya na si Bela mismo at Zanjoe Marudo ang mga bida, ang “366”. Bago siya umalis noon ay nabanggit ni Bela na babalik siya sa Pinas para mag-promote ng kanyang first directorial movie. Hanggang sa ngayon ay wala pang balita kung kailan ito maipalalabas.

***

HINDI na rin bago para sa real life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang magsama sa isang project.

May movie na silang nagawa na magkalabtim, ang ‘LSS’ gayun din naman magkasama sila sa isang vlog site.

Madalas din na magkasama sila sa isang production number sa ”All Out Sunday’. Sa ikatlong installment ng Kapuso drama romance anthology na “Stories From The Heart” ay sina Gabbi at Khalil ang mga bida at may pamagat itong “Love On Air”, na makakasama rin nila sina Kate Valdez, Kiray Celis at marami pang iba.

Para kay Gabbi, okey lang sa kanya na makasama ang boypren sa isang project dahil sa mas nakikilala niya si Khalil sa working attitude nito.

“I think the biggest advantage is siyempre wala na ‘yung barriers because we are a real-life couple, we got to know each other off-cam,” sabi ni Khalil sa isang panayam.

Sa panig naman ni Gabbi, kung may advantages man ay may disadvanteges din daw.

“Right now that’s what we’re working on. Which is also exciting because we get to see the other side of each other,” say naman ni Gabbi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More