Advertisers

Advertisers

Rayver tinabla ni Bea makapareha sa serye, mas type sina Lloydie, Dingdong at Alden

0 170

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MUKHANG inaalat si Rayver Cruz mula sa pagkaka broken hearted, eto’t may isa na naman itong kabiguang nadama.

May mini-series sana na pagsasamahan sina Bea Alonzo at Rayver pero tila tinabla ng aktres at di nito pinili ang actor.

Mas preferred ni Bea na makasama ang Kapuso actors na sina John Lloyd Cruz,  Dingdong Dantes at Alden Richards.

Mga hari raw kasi ang peg ng tatlong aktor kumpara kay Rayver na mukhang bagetsing ang datingan.

Baka nga naman magmukhang ate si Bea ni Rayver if ever, di ba? Kaya better luck next time na lang daw sa aktor.

Kunsabagay, kung si Ate Vi nga ay ini-loveteam kay Aga Muhlach dati ang bata pa noon ni Morning nung panahon na ‘yun pero ipinareha siya sa Star For All Seasons.

Sabagay choice ba ni Bea or ng mga bossing ng GMA-7 ang dapat makasama ng aktres sa project.

Nagpasampol  na nga sina Bea at Lloydie na magkasama para sa isang commercial at may serye at film pa yan.

Except kay Dingdong dahil nandiyan pa si Marian Rivera, ang Primetime Queen ng Kapuso.

Malay naman natin na biglang magkaroon ng pagbabago at mabigyan sina Rayver at Bea na magsama sa isang project.

***

Vice Ganda at John Prats, naka-unfollow sa isa’t isa

TRUE kaya ang mga tsika na may tampuhan sa pagitan nina Vice Ganda at John Prats?

Napansin kasi na naka-unfollow sa isa’t isa sina Vice at John.

Nag-ugat daw kasi ito ng di piliin ni John na idirek ang It’s Showtime nang i-offer ito sa actor-director.

Mas pinili at type raw ni John na magdirek sa Ang Probinsiyano na ini-offer din sa kanya.

Kaya ba mas pinili ni John Ang Probinsiyano na idirek dahil naging bahagi rin naman siya dito, dati ay dahil din sa parunggit ng dating direktor ng noontime show na stress ang nasabing show.

Sino at kanino kaya at dagdag pang komento ng dating direktor ng It’s Showtime, buti na lang daw mas pinili ni John Ang Probinsiyano.

Kaya natanong ng netizens na may tampuhan ba sina Vice at John kaya naka-unfollow sila sa isa’t isa?

Well, kung anuman ang desisyon kay John kung bakit Ang Probinsiyano ang napili nitong idirek ay choice niya ‘yun, di ba, Maritess?

Well, well, well…’Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More