Advertisers

Advertisers

Natupad nga ba ni PDu30 ang mga ipinangako?

0 237

Advertisers

SA kanyang pagsalita sa isang okasyon sa Zamboanga City nitong Huwebes, ipinagmalaki ni Pangulong Rody “Digong” Duterte na nagawa niya ang halos lahat ng mga ipinangako sa mamamayan noong 2016.

‘Yun nga lang walang partikukar na sinabi si Digong kung ano-anong mga ipinangako niya ang natupad sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022, anim na buwan mula ngayon.

Sa kanyang kampanya noong 2016, kung saan naniwala ang mahigit 16 milyong Pinoy, nangako siyang wawakasan ang talamak na iligal na droga partikular shabu sa loob ng “3 to 6 months” at ipakukulong ang mga korap sa gobierno.



Nangyari ba ang promises na ito? Kayo na ang suma-got, repapips…

Hindi rin niya nagawang wakasan ang “endo” or contractualization sa hanay ng mga manggagawa.



Wala ring nangyari sa pangako niyang trabaho sa mga walang trabaho at bahay sa mga walang bahay.

At hindi niya rin ginawa ang mag-jetski sa West Philippine Sea at mapalayas ang Chinese military ships sa lugar. Sa halip lalong lumala ang sitwasyon sa lugar.



Tapos ang mga natapos lang sa ipinagmamalaki niyang Build Build Build (BBB) ay ang continuation ng Private Partnerships Program (PPP) ni late PNoy. Pero ang sariling programa niya ay hindi nagawa. Kasi puros imposible dreams.

Ang naging masaya lang sa termino ni Digong ay ang uniformed personnel. Nadoble ang kanilang sueldo! ‘Yun nga lang nagdurusa tayo ngayon dahil lumaki ang bayarin sa buwis para mapondohan ang sahod ng uniformed personnel na ito.

Naging masaya rin ang political appointees ni Digong dahil kahit anong katiwalian ang kanilang gawin ay ipinagtatanggol sila ng Pangulo. Mismo!

Bababa sa puwesto si Digong sa Hunyo 30 na baon sa utang ang Pilipinas, higit P12 trillion lang naman. Tinalo niya ang pinagsamang utang ng tatlong nakaraang Presidente ng bansa. Lupet!

Ang utang na ito ay babayaran ng ating kaapo-apohan. Ito ang sakit na iiwan sa atin ng “Tatay” ninyo. Animal!!!

***

Hindi pa pala opisyal na nakapagwidro ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo si Senador Bong Go.

Inanunsyo ni Sen. Go ang pagwidro noong Martes. Pero hanggang nitong Biyernes, ayon kay Comelec Spox James Jimenez, hindi dumating ang Senador sa Comelec para personal na magsumite ng kanyang withdrawal of candidacy sa pool body.

Sa tingin ko ay hindi na itutuloy ni Sen. Go ang pag-atras sa presidential derby dahil dito sa bagong isyu ng pagpapakansela sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

Opo! Nitong Biyernes ay naglabas ng sertipikasyon ang Quezon RTC Branch 105 na hindi pa nabayaran ni BBM ang penalty sa kanyang tax case na pinagtibay ng Court of Appeals noong 1997.

Si Marcos ay convicted sa ‘di pag-file ng kanyang income tax return noong 1982-1984 at 1985.

Dahil sa conviction na ito ay pinakakansela ng human rights groups ang certificate of candidacy (CoC) ni BBM sa Comelec.

Nagkaproblema rin ang kampo ni BBM nang hindi nila nasagot sa loob ng limang araw ang petition ng grupo.

Hindi pa naglabas ng kasagutan ang kampo ni BBM sa bagong isyu.

Waiting din si Sen. Bong Go. You know…