Advertisers
NAKATAKDANG makaharap ni Filipino boxer Marlon Tapales ang hapon na si Hiroaki Teshigawara sa 122 lb (super bantamweight/junior featherweight world title eliminator sa Dec. 11 sa Dignity Health Sports Park sa Carson,California.
Ang magwawagi ay maging mandatory challenger kontra unified IBF at super WBA champion Murodjon Akhmadaliev.
Si Akhmadaliev, ay undefeated sa 10 laban na may seven knockouts, ay itataya ang kanyang IBF belt sa susunod na title match.
Huling lumaban si Tapales noong November nakaraang taon na may technical knockout win laban sa kababayan Eden Sonsona sa Sanman Gym sa General Santos City para umangat sa 34-3 rekord na may 17 knockout.
Bago iyon, naputol ang 12-match win streak ng Lanao del Norte native matapos malasap ang TKO loss laban sa isa pang Japanese Ryosuke Iwasa noong December 2019.
Makakasama ni Tapales ang kapwa Filipinos Nonito Donaire at Reymart Gaballo sa card. itataya ni Donaire ang kanyang WBC bantamweight title laban kay Gaballo sa main event.
Samantala, Teshigawara na may impresibong 22-2 rekord na may 15 KO’s, ay sasandal sa kanyang 11th straight win laban kay Tapales.